Patay na oarfish, natagpuan sa San Jose, Oriental Mindoro

Patay na oarfish, natagpuan sa San Jose, Oriental Mindoro

  • Isang 11-foot-long oarfish ang natagpuang patay sa baybayin ng Barangay Dalahican, San Jose, Oriental Mindoro noong Oktubre 14
  • Ayon sa ulat, nakita ng isang mangingisda ang isda habang papalapit sa pampang bago ito tuluyang namatay
  • Ito ang unang pagkakataon na may naitalang paglitaw ng oarfish sa naturang barangay
  • Nag-viral online ang pangyayari dahil sa mga paniniwala ng ilan na “masamang senyales” ito, bagama’t itinanggi ito ng mga eksperto

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang 11-foot-long oarfish ang natagpuang patay sa baybayin ng Barangay Dalahican, San Jose, Roxas, Oriental Mindoro noong Martes ng hapon, Oktubre 14, 2025. Ang natuklasang ito ay nagdulot ng kaba at intriga sa mga residente, lalo’t matagal nang kumakalat ang paniniwala na ang paglitaw ng ganitong isda ay babala ng paparating na kalamidad gaya ng lindol o tsunami.

Patay na oarfish, natagpuan sa San Jose, Oriental Mindoro
Patay na oarfish, natagpuan sa San Jose, Oriental Mindoro (📷 MAO Roxas)
Source: Facebook

Ayon sa Municipal Agriculture Office, isang mangingisda ang nakakita sa oarfish na tila hirap lumangoy habang papalapit sa dalampasigan. Ilang sandali matapos mapansin, tuluyan na raw itong namatay. Agad naman itong inilibing ng mga residente matapos suriin ng mga opisyal.

Read also

Ina ng 3 batang nasawi sa sunog sa QC, naglabas ng saloobin; nanawagan ng tulong

Ito ang unang pagkakataon na nakakita ang Barangay Dalahican ng oarfish—isang uri ng deep-sea fish na bihirang-bihira umanong lumitaw sa mababaw na bahagi ng karagatan. Ayon sa National Geographic Society, ang mga oarfish ay maaaring lumaki ng higit 30 talampakan at karaniwang nakatira sa lalim na hanggang 1,000 metro.

Ngunit higit pa sa kakaibang itsura ng isda, ang nasabing pangyayari ay agad na umani ng samu’t saring reaksyon online.
“Sabi daw ng matatanda me babala yan. Nangyari na or mangyayari pa lang. Pray lng po tayo mga kababayan,” komento ng isang netizen.
“This maybe a warning to us, wake up, pray, for everything written in the Bible will come to pass,” dagdag pa ng isa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang may ilan na naniniwala sa “masamang pangitain,” nagpaliwanag naman ang mga eksperto na walang siyentipikong ebidensya na nag-uugnay sa paglitaw ng oarfish sa mga sakuna. Ayon sa isang pag-aaral sa Japan na isinagawa ni Yoshiaki Orihara ng Tokai University noong 2019, tanging isang insidente lamang ang nagtugma sa pagitan ng oarfish sighting at lindol sa mahigit 300 kaso na kanilang sinuri.

Maging ang AFP Fact Check ay nagpatibay na “there is no evidence to support the claim” na may koneksyon ang mga oarfish sa mga lindol. Sa halip, ipinapaliwanag ng mga siyentipiko na ang mga isda ay maaaring umahon sa mababaw na tubig dahil sa mga pagbabago sa ocean currents, pagkakasugat, sakit, o pagbabago ng temperatura sa ilalim ng dagat.

Read also

Sikat na influencer at kanyang dalagita na anak, parehas na natagpuang patay sa kanilang bahay

Sa Pilipinas, naitala rin noong Disyembre 2023 ang dalawang oarfish na inanod sa Ligao City, Albay. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol, maaaring dulot ito ng mga “stress” o paggalaw sa ilalim ng karagatan. “Sensitive sinda sa mga disturbances sa irarom [kan karagatan],” paliwanag ni Wheng Briones, tagapagsalita ng BFAR Bicol.

Samantala, bagama’t ilang lindol na ang naitala ng PHIVOLCS nitong mga nakaraang linggo, nilinaw ng ahensya na normal lamang ang ganitong aktibidad sa mga fault lines sa bansa at walang direktang kaugnayan sa mga paglitaw ng oarfish.

Ang oarfish ay tinaguriang “ribbon fish” at madalas iugnay sa mga alamat sa Japan bilang “messengers from the sea god’s palace” o ryūgū-no-tsukai. Sa kabila ng mga paniniwalang ito, nananatili itong isang kakaibang nilalang na nagbibigay pa rin ng takot at hiwaga sa tuwing ito’y lumilitaw.

Noong 2020, isang malaking oarfish ang nakita sa Agusan at agad na nagdulot ng kaba sa mga residente matapos maganap ang lindol sa Masbate ilang araw pagkatapos. Marami ang nagbahagi ng kanilang takot at paniniwalang may koneksyon ang paglitaw ng isda sa sakuna, kahit pa mariin itong itinanggi ng mga eksperto.

Sa isa pang insidente, isang malaking isda ang nahuli ng mga mangingisda ilang oras matapos ang malakas na lindol sa Visayas. Muling binuhay nito ang mga paniniwalang konektado ang mga nilalang sa dagat sa mga natural na sakuna, bagama’t ipinaliwanag ng mga eksperto na ito’y maaaring simpleng coincidence lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate