Malaking isda, nahuli ng mga mangingisda matapos ang malakas na lindol sa Visayas

Malaking isda, nahuli ng mga mangingisda matapos ang malakas na lindol sa Visayas

- Isang kakaibang isda na naman ang nagpakita sa mga mangingisda kamakailan lang

- Nahuli nga ng mga mangingisda ang isang "opah" o moonfish sa Eastern Samar

- Nakita nga ang isda matapos ang isang malakas na lindol na yumanig sa Masbate

- Noong dalawang araw bago ang lindol, isang oarfish naman ang nakita sa Agusan del Norte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang malakas na lindol nga ang naramdaman sa Masbate at niyanig din ang iba’t ibang parte ng Visayas.

Nalaman ng KAMI na matapos ang malakas na lindol nitong Martes, isang malaking isda naman ang nakita ng mga mangingisda.

Malaking isda, nahuli ng mga mangingisda matapos ang malakas na lindol sa Visayas
Larawan mula sa Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa post ng News5 sa Facebook, nahuli ng mga mangingisda sa Brgy. Sta. Monica sa Oras, Eastern Samar ang isdang "opah" o moonfish.

Ang opah o moonfish ay isa sa mga pinakamakukulay na isda. Ayon sa Science Daily, ang opah ay ang natatanging isda na fully warm-blooded kaya malaki ang lamang nito sa ibang isda lalo na sa malalalim at malalamig na parte ng karagatan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, niyanig ng isang malakas na lindol ang mga lugar sa Visayas. Matapos nito, ilang mga aftershocks naman din ang naramdaman sa iba’t ibang mga lugar.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang oarfish naman ang nakita sa Agusan del Norte dalawang araw bago mangyari ang malakas na lindol. Ayon sa lumang paniniwala, ang oarfish ay isang pangitain na may lindol na paparating.

Sa tala ng PHIVOLCS, nasa magnitude 6.5 ang lindol na naranasan sa Masbate. Matinding pinsala nga ang iniwan nito sa mga residente.

Samantala, nag-viral sa social media ang isang video kung saan kita ang paggalaw ng tubig sa isang ilog dahil sa lakas ng lindol.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)