Oarfish na nakita sa Agusan, pinangangambahan ng netizens na may kinalaman sa lindol sa Masbate
- Noong isang araw, isang malaking oarfish ang natagpuang patay sa Agusan del Norte
- Ngayong Martes naman, isang malakas na lindol ang naramdaman sa iba’t ibang parte ng Visayas
- Pangamba ng mga netizens, maaaring may kinalaman ang oarfish sa lindol dahil sa lumang paniniwala ukol dito
- Base nga sa paniniwala, masamang pangitain ang oarfish dahil laging may kasunod ito na sakuna
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kamakailan nga ay naibalitang may isang patay na oarfish ang namataan sa Brgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte.
Nalaman ng KAMI na nakita ang oarfish na ito dalawang araw bago yanigin nang malakas na lindol ang Masbate at ibang parte ng Visayas.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nasa 10 talampakan ang oarfish na nakita ng mga residente roon noong Agosto 16, 2020. Nag-abiso na rin ang awtoridad na ilibing ito.
Samantala, nitong Martes ng umaga naman ay isang malakas na lindol ang gumulat sa mga residente na nasa Visayas.
Pinaghihinalaan lalo na ng mga netizens na may kinalaman ang nauna nang nakita na oarfish sa malakas na lindol.
Sabi nga sa Facebook post ng Inquirer, ilang mga scientists ang nagsasabing ang oarfish ay nakatira sa malalim na parte ng dagat at malapit sa mga active faults. Kaya naman, mas sensitive umano ang mga ito sa chemical changes bago mangyari ang lindol.
Narito nga ang komento ng mga netizens:
“Baka meron nanaman lindol. Keep safe poh sa atin lahat..”
“Keep safe po, alam nyo na pangitain sa mga ganyan”
“It's a sign and warning that there is..calamity coming..”
“It is a bad OMEN...something strange will happen on its nearby places...God protects us.”
“Bad sign… Earthquake pangitain.”
Ganito rin ang lumang paniniwala sa Japan, na sa tuwing may magpapakitang oarfish sa baybayin ay may paparating na malakas na lindol. Kaya naman, ang iba nga ay tinatawag na “bad omen” o masamang pangitain ang oarfish dahil kalimitan ay may nakasunod na sakuna rito.
Subalit, ayon naman sa ulat ng Forbes, ang mga ibang scientists naman ay nagsasabing walang kinalaman ang mga oarfish sa lindol dahil wala pa umanong nakikitang scientific explanation dito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang Pilipinas nga ay nasa Pacific Ring of Fire kaya laging may lindol dito at ang iba nga ay mahina kaya hindi masyadong nararamdaman.
Nitong Martes ng umaga ay isang 6.5 magnitude na lindol ang naramdaman sa Cataingan, Masbate. Ibihanagi nga ng ibang netizens ang kanilang karanasan.
Samantala, kasabay naman nang malakas na lindol ang pagbuga ng steam ng Taal Volcano. Ayon sa PHIVOLCS, normal lang naman daw ito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh