Mahigit 70 sinkholes, lumitaw matapos ang mapaminsalang lindol sa Cebu
- Mahigit 70 sinkholes ang natuklasan sa Northern Cebu matapos ang 6.9 magnitude na lindol noong Setyembre 30
- Pinakamaraming sinkhole ang natagpuan sa San Remigio, kung saan umabot sa 40 ang bilang nito
- MGB nagbabala na posible pang madagdagan ang bilang habang nagpapatuloy ang mga aftershock
- Provincial government ng Cebu pinag-aaralan ang posibleng rezoning o pagbabago sa paggamit ng lupa sa mga apektadong lugar
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Patuloy ang pag-aalala sa Northern Cebu matapos matuklasan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigit 70 sinkholes ang nabuo dahil sa 6.9 magnitude na lindol noong Setyembre 30, 2025.

Source: Facebook
Ayon sa MGB, lumitaw ang mga sinkhole hindi lamang sa lupa kundi pati na rin sa baybayin. Pinakamarami sa mga ito ay matatagpuan sa bayan ng San Remigio, kung saan umabot sa 40 sinkholes, habang 16 naman sa Bogo City, na siyang sentro ng lindol. Nakapagtala rin ng walo sa Daanbantayan, dalawa sa Medellin at Tuburan, at tig-isa sa Tabuelan at Tabogon.

Read also
Gov. Sol Aragones, dinipensahan ang desisyong no face-to-face classes sa probinsya ng Laguna
Sinabi ng MGB na posibleng mas dumami pa ang sinkholes habang nagpapatuloy ang mga aftershock, na umabot na sa 12,079 hanggang Oktubre 14, kabilang ang 5.8 magnitude na lindol noong madaling-araw ng Oktubre 13.
Isa sa mga sinkhole ay tumama mismo sa isang kalsada sa Hagnaya, San Remigio, na nagdulot ng takot sa mga residente. Dahil dito, inirerekomenda ng MGB na lumayo muna ang mga residente sa mga lugar na apektado upang maiwasan ang posibleng panganib.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa Governor ng Cebu na si Pamela Baricuatro, nakikipag-ugnayan na ang provincial government sa MGB upang planuhin ang mga susunod na hakbang. “We will follow whatever MGB will recommend as it will ensure safety for residents,” aniya.
Sa ngayon, hinihintay pa ng pamahalaang panlalawigan ang final report ng MGB. Isa sa mga tinitingnang posibilidad ay ang land use reclassification o rezoning sa mga lugar kung saan natukoy ang mga sinkhole, pati na rin sa mga lugar na naapektuhan ng fault system sa Bogo City, partikular sa Barangays Libertad, Nailon, at Dakit.
Nauna nang inirekomenda ng PHIVOLCS ang relokasyon ng 44 na kabahayan na matatagpuan sa bagong pinangalanang Bogo Bay Fault, upang maiwasan ang panganib ng panibagong pagyanig.
Matatandaang ang nasabing lindol ay kumitil ng hindi bababa sa 72 buhay at nakaapekto sa mahigit 611,624 katao o 165,988 pamilya sa Central Visayas. Ayon sa pinakahuling datos noong Oktubre 10, nasa 79 pamilya o 392 indibidwal pa rin ang nananatili sa tent city sa Barangay Cogon, Bogo City matapos masira ang kanilang mga tahanan.
Umabot din sa 39,806 bahay sa rehiyon ang napinsala, ayon sa mga awtoridad.
Ang Cebu earthquake noong Setyembre 30, 2025, ay isa sa mga pinakamalalakas na lindol na tumama sa Central Visayas nitong mga nakaraang taon. Naitala ang epicenter nito sa offshore ng Bogo City, na agad nagdulot ng malawakang pagkasira sa mga bahay, imprastraktura, at kalupaan.
Simula noon, patuloy ang mga aftershock at geological assessments ng mga ahensiya ng gobyerno upang matukoy ang lawak ng pinsala at mga potensyal na panganib. Ang pagkakaroon ng sinkholes ay senyales ng matinding paggalaw ng lupa at maaaring magdulot ng biglaang pagguho kung hindi maaagapan.
Isang nakababahalang insidente ang naitala kung saan tinangkang magpakamatay ang 12 miyembro ng isang pamilya matapos ang matinding hirap na dinanas umano nila. Ayon sa mga ulat, ginawa nila ito dahil sa matinding depresyon at kawalan ng pag-asa. Agad namang kumilos ang mga awtoridad upang mailigtas ang pamilya at mabigyan ng tulong medikal at sikolohikal.
Kuwento ng mga residente, bigla umanong nagliparan ang mga ibon at insekto ilang minuto matapos ang isang lindol sa Agusan del Sur. Ayon sa mga eksperto, karaniwan nang nagiging sensitibo ang mga hayop sa mga pagbabago sa lupa at hangin bago at pagkatapos ng mga pagyanig. Maraming netizens ang namangha sa kakaibang senyales na ito mula sa kalikasan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh