DepDev, hinamon ng mambabatas na patunayang sapat ang P84 para sa pagkain

DepDev, hinamon ng mambabatas na patunayang sapat ang P84 para sa pagkain

  • Tinuligsa ni Rep. Elijah San Fernando ang DepDev sa pahayag nitong sapat ang P84 kada araw para sa masustansyang pagkain
  • DepDev naglabas ng 2025 food poverty threshold na katumbas ng P12,832 kada buwan para sa pamilya ng lima
  • Iginiit ni San Fernando na imposibleng makabili ng balanseng pagkain sa halagang ito dahil sa taas-presyo
  • Hinamon niya si DepDev Secretary Arsenio Balisacan na sumama sa kanya sa palengke para makita ang totoong presyo ng bilihin

Mariing tinutulan ni Kamanggagawa Party-list Representative Elijah San Fernando ang pahayag ng Department of Economic Planning and Development (DepDev) na sapat umano ang P84 bawat araw para sa isang Pilipino upang makakain ng masustansya.

DepDev, hinamon ng mambabatas na patunayang sapat ang P84 para sa pagkain
DepDev, hinamon ng mambabatas na patunayang sapat ang P84 para sa pagkain (đź“·The Filipino Times)
Source: Original

Sa isinagawang budget deliberations, inihayag ng DepDev na ang food poverty threshold para sa taong 2025 ay P12,832 kada buwan para sa isang pamilya na may limang miyembro. Katumbas ito ng P422 bawat araw, o humigit-kumulang P84 kada tao. Giit ng ahensya, ang halagang ito ay sapat upang maiwasan ang gutom habang may access pa rin sa “healthy food.”

Read also

Alexa Miro, emosyonal na nagsalita tungkol sa breakup nila ni Sandro Marcos

Ngunit para kay Rep. San Fernando, malayong magkatugma ang datos ng DepDev sa tunay na karanasan ng mga ordinaryong manggagawa at pamilya. “Paano ka makakabili ng balanseng pagkain sa P84? Sa presyo ng bigas, gulay, at karne ngayon, imposible ito,” aniya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binatikos din niya ang tila pagiging “disconnected” ng ahensya sa sitwasyong kinakaharap ng karaniwang Pilipino. Ayon sa kanya, ang paggamit ng ganitong klaseng numero ay hindi lamang nakaliligaw kundi maaaring maging batayan ng maling polisiya sa gobyerno.

Hindi pa roon nagtapos ang kanyang panawagan. Hinamon niya si DepDev Secretary Arsenio Balisacan na samahan siya sa palengke upang patunayan kung talagang sapat ang halagang P84. “Dapat ang basehan ay totoong presyo ng bilihin, hindi lang numero sa papel,” diin ng kongresista.

Dagdag pa niya, ang paggamit ng hindi makatotohanang datos ay nakapipinsala sa paggawa ng mga programa laban sa kahirapan. “Ang mga manggagawa at kanilang pamilya ang araw-araw na nakakaranas ng hirap na ito. Kung hindi natin kikilalanin ang aktwal na gastos sa pamumuhay, walang tunay na solusyon,” wika pa ng mambabatas.

Read also

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"

Muli ring ipinaalala ni San Fernando na ang food security at makatarungang sahod ay hindi maaabot sa pamamagitan ng mga tantya lang, kundi ng mga konkretong hakbang na nakabatay sa tunay na halaga ng pamumuhay.

Si Rep. Elijah San Fernando ay kasalukuyang kinatawan ng Kamanggagawa Party-list sa Kongreso. Kilala siya sa mga panawagan para sa mas makatarungang sahod, maayos na benepisyo para sa mga manggagawa, at mga patakarang tunay na nakabatay sa karanasan ng karaniwang Pilipino. Isa siya sa mga mambabatas na madalas bumatikos sa mga polisiya ng gobyerno na umano’y malayo sa aktwal na kalagayan ng masa.

Noong Hulyo 2024, naging viral ang kwento ng isang 57-anyos na jeepney driver na napilitang tumira sa kanyang jeep para makapag-ipon para sa pamilya. Ang istorya ay nagsilbing simbolo ng pagsusumikap ng mga manggagawa na magsakripisyo para sa kinabukasan ng kanilang mahal sa buhay, kahit na kapalit nito ang sariling kaginhawahan.

Read also

Heart Evangelista idinetalye ang prenup nila ni Chiz Escudero

Samantala, nitong Setyembre 2025, isang 111-anyos na volunteer worker ang nakibahagi pa rin sa Trillion Peso March laban sa korapsyon. Ang kanyang presensya ay naging inspirasyon sa marami, patunay na ang laban para sa katarungan at tamang pamamahala ay walang pinipiling edad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate