111 anyos na volunteer worker, nakibaka sa Trillion Peso March kontra korapsyon
- Isang 111 taong gulang na babae mula Quezon City ang sumama sa malawakang rally laban sa korapsyon
- Si Nanay Cecilia ay matagal nang volunteer worker ng programang Kapwa Ko Mahal Ko ng GMA Network
- Sa panayam, sinabi niyang hopeless case na raw ang Pilipino dahil sa laki ng ninanakaw sa kaban ng bayan
- Nanawagan siya sa gobyerno na itigil ang pagnanakaw at ibalik ang nakulimbat para mawala ang kahirapan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa gitna ng malakas na ulan at matinding init ng araw, isang 111 taong gulang na babae ang tumindig kasama ng libo-libong raliyista upang ipahayag ang kanyang panawagan laban sa korapsyon. Kilala siya bilang si Nanay Cecilia mula sa Quezon City—isang centenarian na, ngunit hindi nagpapahuli pagdating sa paglaban para sa bayan.

Source: Facebook
Sa eksklusibong panayam ng Balita, inamin ni Nanay Cecilia na mag-isa na lamang siya sa buhay, ngunit hindi ito naging hadlang para makiisa sa protesta. “I’m alone. I’ve been standing there under the heat of the sun. Just to prove how hopeless we are here now!” matapang niyang pahayag.
Matagal na rin siyang volunteer worker ng programang Kapwa Ko Mahal Ko ng GMA Network, kung saan nagsimula pa siya noong panahon ni Rosa Rosal. “I’m 111 years old, I am a volunteer worker of Kapwa Ko Mahal Ko since the time of Rosa Rosal,” dagdag pa niya.
Para kay Nanay Cecilia, tila wala nang pag-asa ang mga Pilipino dahil sa laki ng nakukulimbat sa kaban ng bayan. “Trillion na ang ninanakaw, talagang hopeless case na ang Pilipino. We have to fight for our rights!” mariin niyang saad.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nang tanungin kung ano ang mensahe niya sa gobyerno, direkta ang kanyang sagot: “I hope the Lord will punish the guilty. Stop corrupting the people. Stop stealing, if you only give back what you have stolen, there will be no more poor people.”
Ang kanyang presensya sa rally ay nagpapatunay na ang laban kontra korapsyon ay hindi pinipigilan ng edad. Sa edad na 111, mas pinili pa niyang lumabas at magsalita kaysa manahimik, tanda ng kanyang matibay na paniniwala na dapat managot ang mga nagnanakaw sa kaban ng bayan.
Si Nanay Cecilia ay isang matandang babae mula sa Quezon City na sa kabila ng kanyang edad na 111, ay nananatiling aktibo sa mga isyung panlipunan. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamatagal na volunteer worker ng programang Kapwa Ko Mahal Ko, isang proyektong pangkawanggawa ng GMA Network na nagsimula pa noong dekada ’70. Sa kabila ng pagiging mag-isa sa buhay, nananatili siyang matatag at patuloy na ginagamit ang kanyang boses para sa kapakanan ng mas nakararami.
Noong nakaraang linggo, iniulat ng Kami.com.ph ang pakikilahok ni Vice Ganda sa naturang rally. Ayon sa artikulo, handa umano ang komedyante at TV host na makiisa sa protesta sa Luneta laban sa mga isyung kinahaharap ng bansa. Para kay Vice, panahon na raw para ipakita ang “audacity” ng mga mamamayan laban sa katiwalian.
Samantala, kabilang din sa mga dumalo sa rally ang isang 69-anyos na madre na nakaranas ng pambabastos mula sa ilang kapwa raliyista. Sa ulat ng Kami.com.ph, dinuro at minura umano ang madre matapos niyang ipahayag na dapat mahalin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ipinakita ng insidenteng ito ang matinding tensyon at pagkakaiba ng pananaw sa nasabing kilos-protesta.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh