Albie Casiño, nagbigay ng matinding reaksyon sa pahayag ng anak ni Zaldy Co
- Nagbigay ng matinding banat si Albie Casiño sa Instagram post ni Ellis Co tungkol sa isyu ng kanyang ama na si Rep. Zaldy Co
- Sa post, nanindigan si Ellis laban sa korapsyon at umapela sa kanyang ama na humarap sa mga paratang
- Ayon kay Ellis, kahit lumaki siya sa pribilehiyo, sinikap niyang kumayod sa sarili at piniling magsimula ng sariling brand
- Komento ni Albie, “Your music s*cks your fashion sense s*cks you and your family all s*ck,” na umani ng higit 8,000 likes
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nag-viral ang komento ni aktor Albie Casiño matapos niyang prangkang banatan si fashion designer Ellis Co, anak ni Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co. Nangyari ito sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa umano’y anomalya sa flood control projects na kinasasangkutan ng kongresista.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram, naglabas ng pahayag si Ellis Co. Dito, sinabi niyang nakikiramay siya sa sentimyento ng mga Pilipino at kinondena ang korapsyon. “Even though I was born with privilege because of my last name, I try not to stick with it… I moved out of my parents’ house and worked on my own,” ani Ellis.
Dagdag pa niya, hindi niya minamaliit ang galit ng taumbayan dahil sa mga nangyayari at naniniwala siyang dapat lumabas ang katotohanan. May mensahe rin siya para sa kanyang ama: “To my father, come home and answer to the people. Have your time in court. People need answers.”
Ang kanyang pahayag ay agad na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Sa comment section na kanyang binuksan, lumutang ang pinakaprominenteng komento mula kay Albie Casiño: “Your music s*cks your fashion sense s*cks you and your family all s*ck.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang matapang na mensahe ng aktor ay mabilis na nag-trending at nakakuha na ng higit 8,000 likes mula sa netizens. Marami ang natuwa sa pagiging diretso ni Albie habang ang ilan naman ay nagulat sa bigat ng kanyang pananalita.
Si Ellis Co ay kilalang fashion designer at anak ni Rep. Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist. Bukod sa fashion, pinasok din niya ang musika at sinubukang gumawa ng pangalan sa sariling paraan. Gayunpaman, dala pa rin niya ang bigat ng apelyidong Co, lalo na ngayong nadadawit ang kanyang ama sa isyu ng umano’y multi-bilyong anomalya sa flood control projects.
Samantala, si Albie Casiño naman ay isang aktor na matagal nang nasa industriya. Kilala siya sa pagiging outspoken at prangka, bagay na muling ipinakita niya sa kanyang komento na umani ng malawak na atensyon online.
Kamakailan, nag-viral din ang isang video kung saan makikitang may lalaki na naglagay ng mga larawan nina House Speaker Martin Romualdez at Rep. Zaldy Co sa loob ng isang memorial chapel. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, ito ay ginawa bilang simbolo ng galit ng ilan sa mga alegasyong kinakaharap ng mga nasabing opisyal. Umani ito ng sari-saring reaksyon at mabilis na kumalat online.
Samantala, hindi rin napigilan ni broadcast journalist Karen Davila ang kanyang emosyon nang mabanggit ang umano’y ₱35-bilyong “insertion” na iniuugnay kay Zaldy Co. Sa report ng Kami.com.ph, inamin niyang napamura siya sa galit matapos makita ang detalye ng nasabing pondo. Para kay Davila, hindi katanggap-tanggap ang ganitong isyu lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan ng mga Pilipino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh