Chiz Escudero, mariing itinanggi ang pagkakadawit sa flood control projects

Chiz Escudero, mariing itinanggi ang pagkakadawit sa flood control projects

  • Mariing itinanggi ni Sen. Chiz Escudero ang umano’y pagkakasangkot niya sa flood control projects
  • Buwelta niya, tila planado ang pag-atake sa Senado upang sirain ang institusyon
  • Binatikos din niya ang pagtutok lamang sa mga senador at hindi sa iba pang personalidad na dapat ring imbestigahan
  • Nakatakda siyang magsampa ng kaso laban kay dating DPWH Usec. Roberto Bernardo

Mariing itinanggi ni Senator Chiz Escudero ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa flood control projects na naging paksa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayon kay Escudero, walang katotohanan ang mga paratang ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo na nagdikit sa kanya sa isyu.

Chiz Escudero, mariing itinanggi ang pagkakadawit sa flood control projects
Chiz Escudero, mariing itinanggi ang pagkakadawit sa flood control projects (📷Chiz Escudero/Facebook)
Source: Instagram

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Escudero: "I vehemently deny the malicious allegations and innuendos made by former DPWH Usec. Roberto Bernardo in today’s Senate Blue Ribbon Committee. By his own admission, he never had any contact with me directly regarding this matter. I will prove that he is lying about my alleged involvement."

Read also

Anne Curtis, nanlumo sa sinabi ni Brice Hernandez sa SBRC hearing: "BAKIT PO?!"

Buwelta pa niya, malinaw na may "well-orchestrated plan" na sirain ang Senado at ang mga miyembro nito. Dagdag niya, hindi kapani-paniwala na puro senador lamang ang tinuturo habang hindi nadadamay ang iba pang pangalan tulad nina Rep. Zaldy Co at House Speaker Martin Romualdez.

Aniya: "Puro talaga senador ang tinuturo? Nasaan si Zaldy Co? Nasaan na si Rep. Martin Romualdez sa lahat ng ito? Nasaan ang mga kasabwat niya?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinawag pa ng senador na isang “sarswela” ang mga pangyayari at paglilihis ng isyu. Giit niya, hindi siya uurong at nakatakda siyang magsampa ng kaso laban kay Bernardo: "Maging ganoon pa man, haharapin at lalabanan ko ito at maghahain ng karampatang demanda laban kay Usec. Bernardo sa mga binitiwan niyang walang saysay at basehan na paratang."

Sa higit dalawang dekada niyang pagiging public servant, ipinagmamalaki ni Escudero na wala pa siyang naging kasong korapsyon. "For more than 27 years in public service, I have never once been charged with corruption. That record speaks for itself." dagdag pa niya.

Si Francis Joseph "Chiz" Escudero ay kasalukuyang senador at kilala sa kanyang matalas na pananalita at mahigpit na paninindigan sa mga isyu ng gobyerno. Nagsimula ang kanyang karera bilang kongresista ng Sorsogon bago maging senador, at nakilala siya bilang isa sa mga pinakamahaba ang panunungkulan sa politika. Bukod sa pagiging public servant, kilala rin siya bilang asawa ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista.

Read also

Heart Evangelista idinetalye ang prenup nila ni Chiz Escudero

Kamakailan lang, naging mainit ang pagtanggap ni Senador Escudero kay dating Isabela governor Faustino “Bojie” Dy III matapos siyang bumisita sa Batasan. Sa ulat ng Kami.com.ph, makikita ang mainit na pakikipagkamay ni Escudero kay Dy kasabay ng kanilang pagbisita kay House Speaker Martin Romualdez. Ang gesture na ito ay simbolo umano ng magandang ugnayan at respeto sa kapwa lingkod-bayan.

Samantala, sa personal niyang buhay, naging bukas din si Heart Evangelista tungkol sa kanyang prenup agreement kay Escudero. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, inamin ni Heart na malinaw na nakasaad sa kanilang kasunduan ang mga usaping pinansyal at ari-arian upang maging patas at maayos ang kanilang pagsasama. Pinuri naman ng netizens ang pagiging transparent ng mag-asawa at ang kanilang matibay na relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate