UP student, kinaladkad, pinalo, at sinipa umano ng mga umaresto sa kanyang mga pulis

UP student, kinaladkad, pinalo, at sinipa umano ng mga umaresto sa kanyang mga pulis

  • Isang estudyante ng UP Diliman ang umano’y binugbog ng mga pulis habang inaaresto sa Mendiola noong protesta ng Setyembre 21
  • May video mula sa Philippine Collegian ang nagpakita kay Mattheo Villanueva na hinihila, sinisipa at sinasaktan ng mga pulis
  • Ayon sa UP Diliman Student Council, may legal counsel at quick response team na nakaalalay kay Villanueva
  • Iginiit naman ng PNP na walang baril o tear gas na ginamit at ang ilang nagprotesta raw ang naghagis ng molotov

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Philippine Collegian on Facebook
Philippine Collegian on Facebook
Source: Facebook

Isang estudyante ng University of the Philippines Diliman ang umano’y binugbog ng mga pulis sa kanyang pag-aresto sa Mendiola Street sa gitna ng kilos-protesta noong Setyembre 21.

Sa video na ibinahagi ng Philippine Collegian, makikita ang isang lalaking nagpakilalang si Mattheo Villanueva ng UP College of Arts and Letters.

Nakaangat ang kanyang mga kamay habang hinihila, sinasaktan at sinisipa ng ilang pulis.

Ayon kay Fatima Mendoza, Student’s Rights and Welfare councilor ng UP Diliman, bahagi si Villanueva ng contingent ng unibersidad at nagsilbing security marshal sa rally.

Read also

Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala pa raw malinaw na batayan sa pag-aresto dahil isinasagawa pa ang inquest proceedings noong Setyembre 23.

Aniya, naabisuhan na ang pamilya at may abogado na siyang humahawak sa kaso. Nag-organisa rin ng quick response team ang University Student Council para sa kanya.

Kinumpirma ni Major Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police District, na nagpapatuloy ang inquest proceedings sa MPD headquarters.

Nang tanungin kung kabilang si Villanueva sa mga inaresto at hinggil sa alegasyon ng police brutality, sagot niya ay may mga prosecutor na humahawak ng proseso.

Nauna nang sinabi ng PNP na walang ginamit na baril o tear gas laban sa mga nagprotesta. Giit nila, ilang rogue protesters ang naghagis ng molotov.

Samantala, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na malinaw ang direktiba ng Pangulo na pairalin ang maximum tolerance.

Umabot sa 216 ang naaresto, kabilang ang 89 na menor de edad, habang 95 pulis ang nasugatan.

Read also

Angeline Quinto, idinaan sa biro ang matinding mensahe laban sa korapsyon

Basahin ang artikulo na nilathala ng GMA News Online dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Pinaghihinalaang bangkay ng ama na umano'y may kinalaman sa pagkamatay 3 niyang anak, natagpuan

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: