Ina ng magkapatid na kasama sa mga umano'y nanggulo sa rally, nagsumamo kay Mayor Isko
- Isang ginang ang nagsusumamo kay Manila City Mayor Isko Moreno na palayain ang kanyang mga anak na kasali sa rally
- Paliwanag ng ginang, di niya akalaing ganoon ka-seryoso ang pupuntahan ng anak na mauuwi sa kaguluhan
- Aniya, barkadahan daw iyon ng tinatawag na 'geng-geng' kahit na may mga asawa't anak na ang mga ito
- Namomroblema ngayon ang ginang dahil dalawa ang anak niyang nasa kamay ng otoridad at wala umano siyang pampiyansa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naluha at nagsusumamo ang isang ginang na si Almira Dionesio matapos madakip ang kanyang kambal na anak, parehong 25-anyos, sa kaguluhan sa Recto Avenue nitong Linggo, Setyembre 21, 2025.

Source: Facebook
Ayon kay Dionesio, hindi niya inakalang hahantong sa gulo ang sinabing “rally” na pupuntahan ng kanyang anak.
Aniya, inakala lamang niyang simpleng barkadahan ang pagtitipon ng tinatawag niyang “geng-geng” ng mga kabataan at kabataang may pamilya na.
“May lakad ka ba? Sabi niya, ‘oo ma, rally.’ Di ko naman akalain na ganun ka-seryosong rally ‘to. Ta’s dinaanan pa ‘yung kapatid niya,” saad ng ginang.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, nalaman lamang niyang nahuli ang kambal nang gisingin siya ng kanyang manugang.
Sa panayam, sinabi rin ni Dionesio na hirap siya ngayon dahil wala siyang kakayahang magpiyansa para sa dalawa.
“Mayor, nasusumamo po kami sa inyo. Kakainin nga po wala, ipangpa-piyansa pa sa kanila,” aniya habang humihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan at pulisya upang makapiling na muli ang kanyang mga anak.
Hiniling din ng ginang kay Mayor Isko Moreno na isaalang-alang ang kalagayan ng mga gaya ng kanyang anak na aniya’y hindi lubos na nakauunawa sa bigat ng sinasalihang pagkilos.
“Hindi lahat ng kasama sa rally na aral na alam nila ‘yung ginagawa nila. Barkadahan lang sila…” dagdag pa ni Dionesio.
Patuloy na nakadetenido ang kambal habang inaasahang maglalabas ng karagdagang pahayag ang Manila Police District hinggil sa naging operasyon laban sa mga raliyista.
Narito ang kabuuan ng pahayag ng ginang sa panayam sa kaya ng ABS-CBN News:
Setyembre 21, 2025, muling naging sentro ng pagkilos ang Luneta at EDSA People Power Monument matapos magsagawa ng malawakang anti-corruption rally ang mga Pilipino. Kilala ang petsang ito bilang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972 sa ilalim ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at sa bawat taon ay inaalala ito ng iba’t ibang sektor bilang simbolo ng panawagan para sa demokrasya, hustisya, at pananagutan ng pamahalaan. Ngayong taon, naging mas maigting ang kilos-protesta dahil sa lumalaking galit ng publiko sa umano’y anomalya sa halos 9,855 flood control projects ng gobyerno na nagkakahalaga ng tinatayang ₱545 bilyon.
Magugunitang nag-ulat ang Manila Police District ng pagpapatupad at pag-aresto sa mga sangkot; ayon sa ulat, may hindi bababa sa 72 katao ang inaresto kaugnay ng karahasan at paglabag habang may ilang ulat at social media post na nagtuturo ng mas mataas na bilang na umaabot sa tinatayang higit isang daan. Ang bilang ng arestado at eksaktong detalye ay patuloy tinutunghayan ng awtoridad habang iniimbestigahan ang insidente.

Read also
Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas
Nag-inspeksyon naman si Mayor Isko sa pinangyarihan ng kaguluhan at pinaigting ang koordinasyon ng Manila PIO at pulisya para sa dokumentasyon ng pinsalang naidulot sa mga ari-arian. Inutusan din niya ang mas mahigpit na pagpapatupad ng curfew at public-safety measures sa ilang bahagi ng lungsod.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh