Mayor Isko, sinigurong makakasuhan ang mga sangkot sa magulong rally sa Maynila
- Agarang naglabas ng pahayag si Mayor Isko Moreno kaugnay sa umano'y magulong protesta ng mga Kabataan sa Mendiola at ibang bahagi ng Maynila
- Binalaan niya ang iba pang kasali sa umano'y magulong protesta na mahuhuli at mahuhuli rin nila ang mga ito
- Tinitiyak ng alkalde na mananagot ang mga ito sa pinsala at mapanakit na ginawa nila na hindi naman nangyari sa ibang lugar kung saan may nagaganap ding rally
- Samantala, tinatayang mahigit isang daang kabataan na mula sa nasabing kaguluhan ang nasa poder na ng pulisya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Agarang naglabas ng pahayag si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso matapos ang naganap na commotion at nakapinsalang pagtutunggali sa Mendiola at kahabaan ng Recto noong Setyembre 21. Inilinaw ng alkalde na mananagot sa criminal at civil na pananagutan ang mga nanguna at nakiisa sa umano’y magulong kilos-protesta.

Source: Facebook
Binalaan ni Moreno ang iba pang kasali na “mahuhuli at mahuhuli rin nila ang mga ito,” at ipinangako niyang hahanapin at papanagutin ang mga nasabing indibidwal sa pinsala at pananakit na idinulot — bagay na aniya’y hindi nakita sa ibang rally sites gaya ng Luneta at Liwasan.

Read also
Daniel Padilla, nagsalita laban sa katiwalian sa gitna ng “Trillion Peso March” sa Pilipinas
“Lakihan niyo ang pagtatago. Hardcore criminal nga nahuhuli namin, kayo pa kaya.”
Ayon sa alkalde, nababasa niya ang mga komentong nagsasabing dapat na panagutin ang mga kabataang ito na magulo ang ginawang protesta na hindi naman nangyari sa ibang lugar.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Alam ko, nakikita ko sa mga comment ninyo na nakikiusap kayo na papanagutin itong mga taong ito. We’ll make sure, we’ll make them pay.”
“E sumali ka, nakisapakat ka, nahuli ka, e sama ka sa danyos.”
Sisiguraduhin din umano ng alkalde na makakasuhan ang mga ito.
“Criminal and civil. We will charge them. Pagisisihan nila ‘yan.”
“With due respect sa mga raliyista, okay naman sila sa Luneta, okay naman sila sa Liwasan okay naman sila sa EDSA. Bakit parang mga adik itong mga nandidito [Maynila] E utak adik ‘yan e. Utak talangka ‘yan e.”
Aniya, matatapang lang umano ang mga ito dahil grupo-grupo silang magkakasamang nanggulo sa Mendiola.
“Matatapang lang yan kapag sama-sama sila. Nag-iiyakan na ngayon ‘yang mga yan.”
Ibinida pa ni Mayor Isko na ang Maynila ay mayroong humigit kumulang 1,000 na CCTV kaya't mapapadali umano ang pagdakip sa mga ito.
“We know them. We’ll go after them.”
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Radyo Pilipinas:
Ngayong Setyembre 21, 2025, muling naging sentro ng pagkilos ang Luneta at EDSA People Power Monument matapos magsagawa ng malawakang anti-corruption rally ang mga Pilipino. Kilala ang petsang ito bilang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972 sa ilalim ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at sa bawat taon ay inaalala ito ng iba’t ibang sektor bilang simbolo ng panawagan para sa demokrasya, hustisya, at pananagutan ng pamahalaan. Ngayong taon, naging mas maigting ang kilos-protesta dahil sa lumalaking galit ng publiko sa umano’y anomalya sa halos 9,855 flood control projects ng gobyerno na nagkakahalaga ng tinatayang ₱545 bilyon.
Magugunitang nag-ulat ang Manila Police District ng pagpapatupad at pag-aresto sa mga sangkot; ayon sa ulat, may hindi bababa sa 72 katao ang inaresto kaugnay ng karahasan at paglabag habang may ilang ulat at social media post na nagtuturo ng mas mataas na bilang na umaabot sa tinatayang higit isang daan. Ang bilang ng arestado at eksaktong detalye ay patuloy tinutunghayan ng awtoridad habang iniimbestigahan ang insidente.
Nag-inspeksyon naman si Mayor Isko sa pinangyarihan ng kaguluhan at pinaigting ang koordinasyon ng Manila PIO at pulisya para sa dokumentasyon ng pinsalang naidulot sa mga ari-arian. Inutusan din niya ang mas mahigpit na pagpapatupad ng curfew at public-safety measures sa ilang bahagi ng lungsod.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh