Rowena Guanzon, may matinding banat kay Martin Romualdez sa pagbaba niya bilang House Speaker
- Rowena Guanzon, dating COMELEC Commissioner, nagbitiw ng matitinding banat laban kay Martin Romualdez
- Nag-post siya ng mga larawan at ulat kaugnay sa pagbitiw ng dating House Speaker
- Biro niya, nauna pa raw matanggal si Romualdez kaysa sa gustong ipa-impeach
- Nagkomento rin siya sa pahayag na nagsakripisyo umano ang dating Speaker
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Facebook
Usap-usapan ngayon ang mga buwelta ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon laban kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez.
Naging mainit ang isyu matapos kumalat ang balitang nagbitiw na ito bilang lider ng Kamara at posibleng palitan ni Isabela 6th District Representative at Deputy Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Noong Martes ng gabi, Setyembre 16, nag-post si Guanzon sa Facebook ng ulat kung saan makikita na binubuhat at nililipat na ang mga gamit ni Romualdez.
Kasama rito ang kanyang nameplate na may nakasulat na “House Speaker.” Nilagyan niya ito ng caption na “Yes!”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sunod niyang ibinahagi ang isang viral photo ni Romualdez na nakaupo sa silya habang tila pinagpe-pray over ng ilang kongresista, kabilang si Manila 6th District Rep. Benny Abante. Banat ni Guanzon, “Ok lang yan beh ganun talaga! nauna ka pa matagal sa pinapa-impeach mo.”
Tumutukoy siya sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na kalaunan ay na-archive sa Senado.
Nag-react din si Guanzon sa pahayag ni House Deputy Speaker Jay Khonghun na nagsakripisyo umano si Romualdez kaya siya bumaba sa pwesto.
Aniya, “Bakit parang kasalanan pa natin at dapat magpasalamat na nagsakripisyo si tamba.”
Sa ngayon, wala pang pormal na anunsyo o seremonya tungkol sa pagpapalit ng liderato sa Kamara. Patuloy na binabantayan ang magiging susunod na hakbang sa isyung ito.
Basahin ang artikulo na nilathala ng BALITA dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also
Darryl Yap sinagot ang pahayag ni Lav Diaz: "I respectfully nominate BB gandanghari as President"
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh