BDO, nagsalita ukol sa viral posts ng umano’y unauthorized transactions ng kliyente
- Naglabas ng pahayag ang BDO kaugnay sa viral posts ng umano’y unauthorized transactions ng isang kliyente
- Ayon sa bangko, agad silang nakipag-ugnayan sa customer upang maresolba ang isyu
- Ipinaliwanag ng BDO na kadalasan ang mga fraud cases ay dahil sa social engineering at familial fraud
- Nagbigay rin sila ng paalala sa publiko na huwag magbahagi ng personal details at OTP sa kahit anong paraan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita na ang BDO Unibank tungkol sa mga kumakalat na viral posts sa social media na naglalaman ng reklamo ng isang kliyente ukol sa umano’y unauthorized transactions sa kanyang account. Ayon sa pahayag ng bangko, agad silang kumilos at nakipag-ugnayan sa customer upang maresolba ang isyu sa lalong madaling panahon.

Source: Facebook
“We are aware of the viral posts circulating on social media regarding alleged unauthorized transactions involving a BDO client, who has publicly expressed concern about the security of her account. The Bank has been in touch with the client and working to resolve the issue at the soonest possible time,” ayon sa BDO.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pinaliwanag din ng bangko na ang mga kaso ng fraud ay kadalasang may kaugnayan sa social engineering, kung saan pinapaniwala ng mga scammer ang biktima para ibigay ang kanilang confidential details gamit ang pekeng links, calls, o messages. May mga pagkakataon din umano ng familial fraud, kung saan mismong kamag-anak o malapit na kakilala ang gumagamit ng personal information ng isang kliyente upang makapasok sa account nito.
“While our systems remain secure, fraudsters continue to exploit trust and familiarity to trick customers,” dagdag ng BDO.
Kasabay nito, nagbigay sila ng ilang safety reminders para sa lahat ng kliyente:
- Huwag basta-bastang mag-click ng links
- Iwasang magbahagi ng personal information
- Huwag kailanman ibigay ang OTP sa kahit sino
Ayon sa bangko, hindi sila humihingi ng sensitibong detalye gaya ng OTP o personal info sa pamamagitan ng text, tawag, email, o social media. Pinayuhan din nila ang mga kliyente na kung may alinlangan, mas mainam na dumiretso sa pinakamalapit na BDO branch.
Ang BDO ay regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sakop ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), kung saan insured ang deposito ng bawat kliyente hanggang ₱1 milyon.
Ang BDO Unibank ay isa sa pinakamalalaking bangko sa Pilipinas na kilala sa kanilang serbisyo sa retail at corporate banking. Sa kabila ng modernong seguridad ng kanilang systems, madalas pa rin silang humaharap sa isyu ng scams at phishing incidents. Paulit-ulit nilang pinaaalalahanan ang publiko tungkol sa tamang online banking practices upang mapanatiling ligtas ang accounts ng kanilang mga kliyente.
Noong nakaraang buwan, isang viral video ng isang BDO customer ang kumalat matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan kaugnay ng umano’y problema sa kanyang account. Agad ding naglabas ng pahayag ang BDO at tiniyak sa publiko na nakikipag-ugnayan sila sa kliyente para maresolba ang isyu. Ang insidenteng ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng bukas na komunikasyon ng bangko at ng kanilang mga customer.

Read also
Mariel Pamintuan, trending sa parody song laban sa “ghost projects”: “Pilipino, mag-ingay!”
Samantala, isa pang kaso ang naging viral kung saan isang lalaki ang nawalan umano ng ₱345,000 sa kanyang BDO account. Gayunpaman, kalaunan ay humingi ito ng paumanhin sa bangko at inaming nagkamali siya sa kanyang paratang. Sa kanyang public apology, sinabi niyang “Pasensya na po kayo,” at nilinaw na hindi direktang kasalanan ng BDO ang insidente.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh