7 pulis Maynila, sinibak sa puwesto dahil umano sa ilegal na pag-aresto sa isang delivery rider

7 pulis Maynila, sinibak sa puwesto dahil umano sa ilegal na pag-aresto sa isang delivery rider

  • Pitong pulis-Maynila ang sinibak sa puwesto matapos ireklamo ng delivery rider sa NAPOLCOM
  • Ikinuwento ng biktima na sinaktan, ninakawan at pinagbantaan umano sila ng mga pulis
  • Isa pang delivery rider ang ikinulong habang ang biktima ay nakatakas
  • Ang Manila Police District at National Police Commission o NAPOLCOM ay nagsagawa ng imbestigasyon laban sa mga pulis na sangkot
cottonbro studio on Pexels
cottonbro studio on Pexels
Source: Original

Pitong pulis-Maynila ang agad na inalis sa puwesto matapos ireklamo ng isang delivery rider sa National Police Commission.

Inakusahan sila ng grave misconduct, grave irregularity in the performance of duty, at conduct unbecoming of a police officer.

Ayon sa biktima, bumili lamang siya ng milk tea sa Sampaloc nang lapitan ng mga pulis at posasan sila kasama ang isa pang delivery rider.

Sinabi niya na kinuha ng mga pulis ang kanilang cellphones, gintong singsing, motorsiklo, at maging ang P9,000 mula sa kaniyang GCash account.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag niya, pinagbantaan pa sila na isa-salvage.

Read also

LTO, sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng driver sa viral “paa sa manibela” video

Kinuwento rin ng biktima na tinanggal ng mga pulis ang plaka at conduction sticker ng kanilang sasakyan, dahilan para lalo siyang magtaka.

Sinabi niyang dinala pa sila sa iba’t ibang lugar bago sila bumalik sa Sampaloc kung saan siya nakatakas, habang ang isa pang rider ay nakulong sa MPD facility.

Sa utos ni Mayor Isko Moreno, tinanggal sa puwesto ang pinuno at mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit.

Giit ng MPD, inaresto raw ang mga rider dahil sa ilegal na droga pero pinabulaanan ito ng nagreklamo.

Ayon kay MPD acting director Police Brigadier General Arnold Abad, hindi kukunsintihin ang mga tiwaling pulis.

Magsasagawa rin ng masusing imbestigasyon ang NAPOLCOM para tiyaking may hustisyang makakamtan ang mga biktima at mapanagot ang mga sangkot.

Panuorin ang ulat sa '24 Oras' ng GMA Integrated News sa YouTube:

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Mag-asawa, kinulong umano ang anak sa banyo at ikinadena sa tabi ng inidoro sa loob ng 6 na taon

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: