Rappler, humingi ng dispensa kay Robin Padilla at Muslim community matapos maling akusasyon

Rappler, humingi ng dispensa kay Robin Padilla at Muslim community matapos maling akusasyon

  • Rappler naglabas ng public apology kay Sen. Robin Padilla at sa Muslim community matapos ang maling caption sa isang video
  • Ang video ay nagpakita ng senadora habang umaawit ng pambansang awit, na inilarawan ng Rappler bilang “dirty finger” gesture
  • Ipinaliwanag ni Padilla na ito ay bahagi ng Muslim declaration of faith, hindi bastos na kilos
  • Nangako ang Rappler na paiigtingin ang kanilang internal processes para maiwasan ang ganitong pagkakamali

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naglabas ng public apology ang online news outlet na Rappler kay Senator Robin Padilla at sa buong Muslim community matapos mag-viral ang isang video na mali umano ang pagkakalarawan sa kanyang ginawa.

Rappler, humingi ng dispensa kay Robin Padilla at Muslim community matapos maling akusasyon
Rappler, humingi ng dispensa kay Robin Padilla at Muslim community matapos maling akusasyon (📷Robin Padilla/Facebook)
Source: Facebook

Sa unang ulat ng Rappler, sinabing nag-flash ng “dirty finger” si Padilla habang umaawit ng pambansang awit sa pagbubukas ng sesyon ng Senado noong Setyembre 8. Agad itong umani ng batikos at malawak na diskusyon online.

Subalit mariing itinanggi ni Padilla ang paratang. Aniya, hindi iyon bastos na kilos kundi bahagi ng Muslim declaration of faith o “Kalima La ilaha illallah.” Makikita sa video na nakataas ang kanyang index finger, simbolo ng pagkilala sa nag-iisang Diyos, na isang mahalagang bahagi ng paniniwalang Islam.

Read also

Alden Richards, trending dahil sa cryptic post laban sa “kuracaught” officials

Sa kanyang pahayag, sinabi ng senador na ang maling interpretasyon ay hindi lamang nakasakit sa kanya kundi maging sa kanyang pananampalataya. Binanggit pa niya na ang ganitong maling pag-unawa ay nakaka-offend sa buong Muslim community.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bunsod nito, naglabas ng opisyal na pahayag ang Rappler na nagsasabing:

“Rappler deeply apologizes to Senator Robin Padilla and to the Muslim community for posting a video which carried a caption alleging a vulgar hand gesture. We take responsibility for unclear communication in the newsroom that led to the posting of content that was still being verified. The video was immediately taken down.”

Dagdag pa nila, “We would like to assure our Muslim brothers and sisters that there was no intention to put any sector or faith group in a bad light, and that we are strengthening our internal processes to avoid mistakes like this in the future.”

Kasabay nito, nanawagan si Padilla at ang kanyang mga tagasuporta na bigyang-diin ang kahalagahan ng pag-unawa sa kultura at relihiyon bago magbigay ng pahayag o balita. Sa social media, nagbahagi rin ang senador ng mga larawan upang ipakita na hindi “dirty finger” ang kanyang ginawa kundi isang banal na simbolo ng pananampalatayang Islam

Read also

Sikat na conservative activist at influencer, patay matapos barilin sa leeg habang nasa event

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o mas kilala bilang Robin Padilla, ay isang dating action star na ngayo’y senador. Isa rin siyang kilalang Muslim convert at tinaguriang “Bad Boy of Philippine Movies” noong dekada ’90. Maliban sa kanyang acting career, naging aktibo rin siya sa iba’t ibang adbokasiya para sa peace talks at kapakanan ng mga Muslim sa bansa.

Kamakailan lang, dinipensahan ng kanyang asawa na si Mariel Padilla ang senador laban sa mga akusasyon ng “dirty finger” gesture. Sa ulat ng Kami.com.ph, mariin niyang itinanggi ang maling interpretasyon at ipinaliwanag na ito ay malinaw na simbolo ng pananampalatayang Islam. Aniya, hindi dapat gawing biro o negatibong usapin ang isang kilos na may malalim na kahulugan sa kanilang pananampalataya.

Bukod dito, isang hiwalay na ulat mula rin sa Kami.com.ph ang nagsabing dinepensahan ni Mariel ang kanyang asawa laban sa paratang na diumano’y pambabastos sa pambansang awit at bandila. Tinawag niyang “unfair” ang ganitong mga pahayag laban kay Robin, lalo pa’t malinaw na hindi iyon ang kanyang intensyon. Dagdag pa niya, dapat maging mas maingat ang publiko sa pagbibigay ng interpretasyon upang hindi makasakit ng damdamin ng iba.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate