Meralco technician, patay sa pamamaril sa Dasmariñas, Cavite

Meralco technician, patay sa pamamaril sa Dasmariñas, Cavite

  • Napatay ang isang Meralco technician matapos pagbabarilin sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas, Cavite
  • Nakuhanan ng CCTV na bago ang pamamaril ay nakipag-usap muna ang biktima sa driver ng pulang kotse
  • Mayroon nang person of interest ang PNP at tinitingnan ang road rage bilang isa sa mga posibleng motibo
  • Mariing kinondena ng Meralco ang insidente at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng biktima

Nasawi ang isang empleyado ng Meralco matapos pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek habang nasa biyahe sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas, Cavite nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 27.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita na bago ang pamamaril ay nakipag-usap muna ang biktima sa isang lalaki na sakay ng pulang kotse. Pagkaraan ng ilang sandali, binaril ito ng driver at mabilis na tumakas.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), mayroon na silang tinutukoy na person of interest kaugnay sa kaso at patuloy ang isinasagawang follow-up operation upang mahuli ang salarin.

Read also

Passenger van inambush sa Maguindanao del Sur: 2 patay, 7 sugatan

Isa sa mga anggulong kanilang pinag-aaralan ay posibleng insidente ng road rage. Gayunpaman, bukas pa rin ang imbestigasyon sa iba pang motibo na maaaring may kaugnayan sa nangyaring pamamaril.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang Meralco kung saan mahigpit nilang kinondena ang krimen. Ayon sa kumpanya, labis silang nalulungkot sa sinapit ng kanilang kasamahan at nakikiramay sila sa pamilya ng biktima.

Nanawagan din ang ilang residente sa lugar na paigtingin ang seguridad at dagdagan ang mga patrol upang maiwasan ang ganitong karahasan. Patuloy namang hinihikayat ng pulisya ang mga saksi na magbigay ng impormasyon na makatutulong sa agarang paglutas ng kaso.

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable stories that people could easily understand and relate in their lives.

Read also

Mister sinaksak ang misis sa Cainta dahil sa matinding selos, tumakas matapos ang krimen

In other news, a 60-year-old Okayama teacher was fired for working part-time at a convenience store, violating Japan’s strict ban on secondary jobs for public school teachers, Bombo Radyo reported. The school principal confirmed the violation after personally visiting the store on the teacher’s rest day. The teacher admitted taking the job in November 2023 to supplement her reduced salary after being rehired post-retirement. The case sparked online debate over Japan’s prohibition on side jobs, with critics questioning its fairness for honorable, off-duty work.

Still in other news, the parents of two of the students injured by falling debris in Quezon City have issued a statement detailing their sons' conditions and calling for accountability. One son is in critical condition and requires surgery, while the other sustained injuries and is traumatized. The families are requesting an expedited investigation and plan to pursue legal remedies against those deemed negligent. The parents expressed gratitude for the support received and acknowledged the assistance of Quezon City Mayor Joy Belmonte and other local officials.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)