59-anyos na lalaking magwi-withdraw lang sana, patay matapos magulungan ng 22-wheeler truck

59-anyos na lalaking magwi-withdraw lang sana, patay matapos magulungan ng 22-wheeler truck

  • Isang 59-anyos na lalaki ang nasawi matapos magulungan ng 22-wheeler truck sa Belfast Avenue, Quezon City
  • Ayon sa pulisya, papunta sanang mag-withdraw ng pera ang biktima bago nangyari ang aksidente
  • Naaresto ang driver ng truck sa Antipolo City matapos ma-trace gamit ang mga CCTV
  • May dating record ang driver, kabilang ang reckless imprudence at paglabag sa quarantine protocol
Balitanghali/GMA Network/GMA Integrated News on YouTube
Balitanghali/GMA Network/GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Patay ang isang 59-anyos na lalaki matapos magulungan ng isang 22-wheeler truck sa kahabaan ng Belfast Avenue, Barangay Pasong Putik, Quezon City, pasado alas tres ng hapon noong Miyerkules, August 20.

Ayon sa CCTV, nakita pang naglalakad ang biktima sa kalsada bago mangyari ang insidente.

Sa isa pang kuha, makikitang saglit na huminto ang truck na may kargang concrete materials, bago tuluyang umalis sa lugar.

Ilang sandali lang ay natagpuan na nakahandusay ang biktima. Sinubukan pa siyang dalhin sa ospital ngunit idineklara rin siyang patay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Batay sa ulat ng kaanak, lumabas ang biktima para mag-withdraw ng pera.

Read also

12 pulis, kinasuhan matapos mamatay ang lalaki sa convenience store incident sa Pasay

Ayon kay PLt. Col. Geoffrey Lim ng QCPD District Traffic Enforcement Unit, nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon kung paano siya napunta sa ilalim ng truck.

Sa backtracking ng mga pulis gamit ang CCTV, natunton ang kinaroroonan ng driver sa Brgy. Mayamot, Antipolo City noong August 21, at agad itong naaresto.

Depensa ng driver, hindi raw nila namalayan na nakasagasa sila ng tao.

Lumabas sa background check na dati nang may kaso ang driver, kabilang ang paglabag sa quarantine protocol at reckless imprudence resulting in damage to property noong 2021.

Sa ngayon, nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Panuorin ang balita sa bidyo:

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Robbery attempt nauwi sa pamamaril: Pulis patay, dalawang sibilyan sugatan sa Pasay

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: