Lady rider, patay matapos magulungan sa ulo isang ng pampasaherong jeep

Lady rider, patay matapos magulungan sa ulo isang ng pampasaherong jeep

  • Isang babaeng rider ang namatay matapos magulungan ng jeepney sa Caloocan
  • Nahulog siya mula sa motorsiklo at pumailalim sa jeepney, ayon sa CCTV at mga saksi
  • Sinabi ng pulis na posibleng nakatulog o napagod ang biktima matapos galing sa malayong biyahe
  • Dead on arrival siya sa ospital, habang nasa kustodiya ng pulisya ang jeepney driver
24-Oras Weekend/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
24-Oras Weekend/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Patay ang isang babaeng rider matapos siyang magulungan ng jeepney sa MacArthur Highway sa Caloocan noong Linggo ng umaga.

Ayon sa CCTV, makikita ang mga dumadaang motorsiklo sa tabi ng umaandar na jeepney.

Bigla na lang na sumemplang ang motorsiklo ng biktima at nahulog siya malapit sa jeepney.

Sa kuha ng isang saksi, makikitang pumailalim siya at naipit ng gulong.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa saksi na si Shirley Javier, biglang dumulas ang motorsiklo at nasapol ang ulo ng rider sa gulong.

Mabuti na lang at mabilis na naitaas ng jeepney driver ang jeep gamit ang jack, pero malubha na ang pinsala.

Read also

Robbery attempt nauwi sa pamamaril: Pulis patay, dalawang sibilyan sugatan sa Pasay

Kwento naman ng MMDA enforcer na si Reginald Jay Timan, nakita niyang nakahandusay na ang motorsiklo at nakapasok sa ilalim ng jeep.

Dagdag pa niya, hindi umano nasagi ng jeep ang biktima kundi nawalan ito ng kontrol.

Agad na dinala sa ospital ang babae pero idineklara siyang dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Ayon sa Caloocan Police, galing sa road trip ang biktima at pauwi na sana sa Marilao, Bulacan.

Paliwanag ni Police Staff Sergeant Rhou Anthony Gudgad, posibleng nakatulog o napagod ang rider, dahilan para bigla siyang tumumba at mapasok sa ilalim ng jeep.

Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang jeepney driver na ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya.

Panuorin ang ulat sa bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Traffic enforcer nagsampa ng kaso laban sa babaeng driver na abogado sa Cavite

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: