41-anyos na magsasaka at 32-anyos na lalaki, arestado sa magkahiwalay na kaso ng panggagahasa
- Magsasaka sa Bukidnon inaresto matapos akusahang ginahasa ang kanyang 17-anyos na anak
- Ang korte ay hindi pinayagan ng piyansa para sa kasong qualified r*pe ngunit may itinakdang halaga para sa sexual assault
- Sa North Cotabato, 32-anyos na lalaki na kabilang sa most wanted list ay inaresto dahil sa panggagahasa ng kanyang menor na bayaw
- Nanawagan ang mga opisyal ng PRO-10 at CIDG na magkaisa ang komunidad laban sa pang-aabuso sa kababaihan at kabataan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Bukidnon at North Cotabato ang nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang lalaki na sangkot umano sa panggagahasa ng mga menor de edad.

Source: Facebook
Unang insidente ay naiulat sa bayan ng Kibawe, Bukidnon kung saan isang 41-anyos na magsasaka ang nahuli matapos akusahang ginahasa ang sariling 17-anyos na anak. Ayon sa Police Regional Office–Northern Mindanao (PRO-10), dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang kaso ng qualified r*pe at dalawang kaso ng sexual assault.
Base sa desisyon ng korte, walang piyansang itinakda para sa kasong qualified r*pe ngunit pinayagan ng ₱100,000 na piyansa sa bawat kasong sexual assault. Lumabas sa imbestigasyon na naganap ang pang-aabuso noong Marso at Mayo 2025, tuwing gabi, sa kanilang tahanan.
Una raw nanahimik ang biktima dahil sa pagbabanta ng suspek, ngunit kalaunan ay nagsumbong sa kanyang ina. Agad na inireport ng ina ang pangyayari, dahilan para agad na maaresto ang magsasaka.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“The fight against crimes targeting women and children is one of our top priorities. We encourage the community to remain vigilant and work with us in ensuring that offenders are held accountable,” pahayag ni PRO-10 Director Rolindo Suguilon.
Sa kabilang banda, isang 32-anyos na lalaki ang inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bayan ng Libungan, North Cotabato. Ayon sa CIDG, may warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong qualified statutory r*pe. Siya rin ang tinaguriang ika-siyam na most wanted sa rehiyon.
Inilahad ng mga awtoridad na matagal nang minolestiya ng suspek ang kanyang menor na bayaw, na ngayon ay 16 taong gulang. Ang pang-aabuso umano ay nagsimula pa noong 2020 at pinakahuling nangyari noong Marso 13, 2024.
Dahil sa matinding takot, hindi agad nagsumbong ang biktima hanggang hindi na niya kinaya ang trauma. Noong Setyembre 22, 2024, nagsadya sa pulisya ang kanyang ina at naghain ng reklamo sa Provincial Prosecutor’s Office makalipas ang dalawang araw.
“I commend the CIDG North Cotabato Provincial Field Unit for capturing this accused, we cannot allow suspects of r*pe, most especially - Qualified Statutory R*pe - to roam around freely and can victimize more minors. With this arrest, we helped the minor victim and her family attain the justice they deserved,” ani CIDG Director Brigadier General Christopher Abrahano.
Ang panggagahasa ay isa pa ring seryosong isyu sa bansa. Marami sa mga biktima ay kabataan na madalas ay nagiging target ng mismong mga taong malapit sa kanila, kabilang ang mga kamag-anak, guro, at kapitbahay. Kadalasan, ang mga biktima ay nananahimik muna dahil sa takot, hiya, at banta mula sa mga suspek. Dahil dito, nananatiling hamon sa mga awtoridad ang mabilis na pagresolba sa mga kaso at pagbibigay ng hustisya.

Read also
Mag-live-in couple sa Davao del Sur, patay matapos ang karumal-dumal na pananaksak at pananaga
Kamakailan, isang 14-anyos na estudyante sa Baguio ang umano’y kinidnap at ginahasa ng isang university instructor. Ayon sa imbestigasyon, nilinlang ng guro ang bata at dinala sa isang lugar kung saan naganap ang pang-aabuso. Ang insidente ay nagdulot ng panawagan para sa mas maigting na pagbabantay sa kapaligiran ng mga paaralan.
Sa isa pang ulat, isang 13-anyos na binatilyo ang kinasuhan hindi lamang ng pagpatay kundi pati na rin ng panggagahasa sa isang 8-anyos na bata. Ayon sa pulisya, nakalap ang ebidensya na naganap muna ang pang-aabuso bago pinatay ang biktima. Ang naturang kaso ay muling nagbukas ng diskusyon tungkol sa pananagutan ng mga menor de edad na sangkot sa mabibigat na krimen.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh