13-anyos na binatilyong suspek sa pagpatay sa 8-anyos na babae, kinasuhan din ng panggagahasa
- Sinampahan ng reklamong rape with homicide ang 13-anyos na suspek sa pagpatay sa walong-taong-gulang na babae sa Quezon City
- Ayon sa pulisya, inamin umano ng suspek na ginaya niya ang kaniyang napanood ngunit tumanggi ang biktima
- Biktima ay natagpuang patay at walang saplot sa isang bakanteng lote, at huling nakitang kasama ang suspek sa CCTV
- Posibleng mabasura ang kaso dahil menor de edad ang suspek at wala pang criminal liability ayon sa batas
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Original
Sinampahan ng reklamong rape with homicide ang 13-anyos na binatilyo na suspek sa pagpatay sa walong-taong-gulang na babae sa Quezon City.
Lumabas ang kasong ito matapos makumpirma sa pagsusuri sa bangkay na ginahasa ang biktima.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, inihain na ang kaso sa city prosecutor’s office.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Molave Youth Home ang suspek habang hinihintay ang desisyon kung uusad ang reklamo sa korte.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa pulisya, ikinuwento umano ng binatilyo na gusto niyang gawin sa biktima ang kaniyang “napanood,” ngunit tumanggi ito.

Read also
Dinukot na beauty queen sa Leyte, natagpuan bangkay palutang-lutang sa dagat; paa't kamay nakatali
Linggo ng hapon nang matagpuan ang biktima na walang saplot sa isang bakanteng lote sa loob ng compound sa Novaliches.
Base sa imbestigasyon, nasakal ito hanggang sa mamatay. Sa CCTV, huling nakita ang bata na kasama ang suspek, na kanilang kapitbahay.
Hirap tanggapin ng lola ng biktima ang nangyari, lalo’t pinagkakatiwalaan nila ang suspek.
Aniya, sumama pa ito sa paghahanap sa bata para magkunwaring walang alam.
Ayon sa Juvenile Justice and Welfare Council, posibleng ma-dismiss ang kaso dahil wala pang criminal liability ang menor de edad na wala pang 15 taong gulang.
Gayunpaman, maaaring ilagay sa Bahay Pag-asa para sa rehabilitasyon ang mga menor de edad na mapapatunayang nagkasala.
Maaari ring magsampa ng kasong sibil ang pamilya ng biktima upang hingan ng danyos ang mga magulang ng batang gumawa ng krimen.
Sa Kongreso, may mga panukalang batas na ibaba ang minimum age of criminal liability sa 10 taong gulang.
Panuorin ang ulat sa bidyong ito:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh