Ama at madrasta ng 7-anyos na bata sa Pangasinan, inaresto kaugnay ng krimen
- Isang pitong taong gulang na bata mula Asingan, Pangasinan ang natagpuang patay sa dalampasigan ng Bonuan Gueset, Dagupan City
- Ang ama at madrasta ng bata ang pangunahing suspek at naaresto sa Sison, Pangasinan
- Ang sasakyang ginamit sa pagkuha ng bata ay natunton matapos makilala ng mismong may-ari kahit pinalitan ng pekeng plaka
- Imbestigasyon ng pulisya ay nag-ugat sa posibleng motibo na paghihiganti
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nayanig ang Pangasinan matapos matagpuan ang katawan ng isang pitong taong gulang na batang babae sa baybayin ng Bonuan Gueset, Dagupan City noong Agosto 15, 2025. Ang bata, isang Grade 2 student mula Barangay Bantog, Asingan, ay naiulat na nawawala matapos umanong sapilitang isakay sa isang sasakyan mula sa kanilang bahay isang araw bago siya matagpuan.

Source: Facebook
Kinilala ng mga awtoridad ang mga pangunahing suspek bilang mismong ama ng bata at ang madrasta nito. Ayon kay Police Lt. Col. Lawrence Keith Calub, officer-in-charge ng Dagupan City Police Station, nahuli ang dalawa sa Sison, Pangasinan matapos kilalanin ng mga testigo.
âHinuli po (sila) ng composite teams from different stations⌠may naka-identify doon sa suspects kaya hinuli po natin sila doon sa Sison, Pangasinan,â pahayag ni Calub.
Sa unang imbestigasyon, natuklasan na isang Toyota Fortuner ang huminto sa tapat ng bahay ng biktima noong Agosto 14, at doon umano siya isinakay. Kinagabihan, nakita ng mga mangingisda ang katawan ng bata sa tabing-dagat, may tatlong hiwa sa leeg base sa medico-legal examination.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang concerned citizen ang nag-post online ng litrato ng sasakyan na umanoây ginamit sa krimen. Nakilala ito ng mismong may-ari kahit nakapeke ang plaka. âMay nag-post po kasi na concerned citizen, na nakita po itong Fortuner na ito daw âyong alleged na kumuha doon sa bata. So nung nakita nung owner sabi niya sasakyan ko âyan kahit magkaiba âyung plaka pero may markings âyan,â dagdag ni Calub.
Lumabas sa imbestigasyon na nirentahan ng ama at madrasta ng bata ang naturang sasakyan, na kalaunaây nagpatibay sa kanilang pagkakakilanlan bilang mga suspek.
Para sa pulisya, malaki ang posibilidad na paghihiganti ang motibo. âNakikita natin na motive dito is vengeance. Medyo mahaba âyong kwento pero about ito sa support, about sa misc4rriage, about sa effect ng post-partum though marami pong effect pero ang nakikita natin is vengeance,â ani Calub.
Samantala, naglabas ng pahayag online ang ina ng biktima na hindi siya titigil hanggaât hindi napapanagot ang mga responsable sa pagkamatay ng kanyang kaisa-isang anak.
Sa ilalim ng Revised Penal Code ng Pilipinas, ang ama at madrasta ng biktima ay maaaring kaharapin ng kasong parricide at murder dahil sa brutal na paraan ng pagkamatay ng bata. Kung mapapatunayan na sila ang direktang responsable, maaari silang mahatulan ng reclusion perpetua o habang-buhay na pagkakakulong. Bukod dito, posibleng may kasong kidnapping dahil sa sapilitang pagkuha sa bata mula sa kanyang bahay. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, inaasahan na masusuri pa ang lawak ng ebidensya kabilang ang sasakyan, medico-legal results, at testimonya ng mga saksi.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph, iniulat ang pagkawala at pagkamatay ng parehong bata bago pa makumpirma ang mga suspek. Ayon sa kanilang ulat, natagpuan ang katawan ng 7-anyos na estudyante na may tatlong gilit sa leeg sa dalampasigan ng Dagupan. Ang insidente ay agad na umani ng atensyon online dahil sa brutal na kalagayan ng katawan ng bata.
Samantala, isa pang nakababahalang kaso ng karahasan laban sa bata ang iniulat din ng Kami.com.ph. Isang siyam na taong gulang mula Iligan City ang na-coma matapos umanoây mabugbog ngunit nakaligtas at muling nabuhay matapos ang ilang araw. Ang insidenteng ito ay nagbigay-diin sa tumitinding panawagan para sa mas maigting na proteksyon at katarungan para sa mga kabataan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo âĄď¸ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh