Harry Roque, nakasagutan ang ilang Duterte supporters sa Netherlands dahil sa “humba”

Harry Roque, nakasagutan ang ilang Duterte supporters sa Netherlands dahil sa “humba”

  • Naging tensyonado ang birthday celebration sa The Hague, Netherlands nang ma-involve si Atty. Harry Roque sa komprontasyon hinggil sa pagkain ng humba
  • Sa gitna ng Facebook live, narinig ang pagtuligsa kay Roque na agad naman niyang sinagot at iginiit na kailangang manindigan sa tama at mali
  • Nainis si Roque nang malamang pinapatamaan siya ng isang “Aldo” dahil sa pagkain niya ng humba at nag-alok pa siyang bayaran ito nang buo
  • Nakasagutan pa niya mismo ang celebrant at iginiit na siya ang “binastos” at dapat ay may kumondena sa mali

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang simpleng birthday celebration sana sa The Hague, Netherlands ang nauwi sa tensyon at komprontasyon matapos madamay si Atty. Harry Roque sa isang isyu hinggil sa pagkain ng humba.

Harry Roque, nakasagutan ang ilang Duterte supporters sa Netherlands dahil sa “humba”
Harry Roque, nakasagutan ang ilang Duterte supporters sa Netherlands dahil sa “humba” (📷Harry Roque/Facebook)
Source: Facebook

Sa Facebook live video na ibinahagi ni Cecil Arceño, makikita ang kasiyahan ng grupo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Alvin. Ngunit habang tuloy ang kasayahan, narinig ang isang babae sa background na galit na nagrereklamo tungkol sa isang “Aldo” na umano’y nag-post ng hindi maganda laban sa kanila.

Read also

Liza Soberano, emosyonal sa pagbabalik-tanaw: “I was the family dog”

Agad namang sumagot si Roque: “This is my appeal. Some things are right, some things are wrong. You need to take a stand against wrong.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lalong uminit ang sitwasyon nang mapagtanto ni Roque na pinapatamaan siya ni “Aldo” dahil sa pagkain ng humba. Hindi nakapagtimpi si Roque at sinabing: “Can I pay for the whole humba, I will pay for the whole humba?”

Ngunit pinigilan siya ng isang babae at sinabing ang humba ay para sa lahat at sponsored pa ng bestfriend ng celebrant. Hindi pa rin napigil ang dating presidential spokesperson at idiniin: “Merong tama, merong mali. You have to take a stand kung mali. Sunud-sunuran kayo sa kanya eh… Make a stand.”

Hindi rin nakaligtas sa talak ni Roque ang mismong celebrant na si Alvin. Galit na iginiit ni Roque: “I was the one blasphemed, I was blasphemed… Mag-please ka nang mag please. Ako ang binastos… ako ang tinira. You have to condemn what is wrong. Magkano ang humba na ‘yan?”

Read also

Shaira Diaz kay EA Guzman: “From this day forward, you’ll never have to wait again”

Ang dapat sana’y simpleng salo-salo ay tuluyan nang nauwi sa mainitang sagutan na nakunan at nai-broadcast pa sa social media.

Si Herminio “Harry” Roque Jr. ay kilalang abogado at naging presidential spokesperson ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago pa man makapasok sa politika, nakilala na siya bilang human rights lawyer at professor. Sa mga nagdaang taon, nanatili siyang aktibong personalidad sa politika, kilala sa kanyang matapang at diretsahang pananalita sa mga isyu, lalo na kapag may kinalaman kay dating Pangulong Duterte. Sa parehong paraan, hindi rin siya umiiwas sa kontrobersya, gaya ng ipinakita sa pinakahuling insidenteng ito.

Kamakailan lamang, pinabulaanan ni Roque ang mga alegasyon na siya umano ay nakikialam sa kaso ni dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC). Sa isang pahayag, sinabi niyang wala siyang anumang papel sa proseso ng ICC at binigyang-diin na walang basehan ang mga ganitong paratang laban sa kaniya.

Hindi rin nakaligtas si Roque sa showbiz spotlight matapos siyang bumuwelta kay Vice Ganda. Ayon sa kaniya, mali ang pambabatikos ng komedyante kay dating Pangulong Duterte sa isang concert. Aniya, tila sobra ang banat ng komedyante: “Sinipa-sipa mo pa si Tatay Digong.” Ang sagutang ito ay nag-trending online at muling nagpakita ng pagiging outspoken ng dating presidential spokesperson.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate