Staff ni Sen. Robin Padilla, iniimbestigahan dahil umano sa pagma-marijuana sa loob ng opisina niya
- Iniimbestigahan ng Senado ang umano’y paggamit ng marijuana sa opisina ni Sen. Robin Padilla
- Isang babaeng staff umano ng senador ang hinihinalang nagpuslit at gumamit ng marijuana sa loob ng Senado
- Staff ay dumipensa at sinabing amoy air freshener lamang ang naamoy, hindi marijuana
- OSAA at si Padilla ay parehong magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon at random drug testing sa Senado
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Facebook
Iniimbestigahan ngayon ng Senado ang kumalat na ulat tungkol sa umano’y paggamit ng marijuana ng isang staff ni Senador Robin Padilla sa loob mismo ng kaniyang opisina.
Ayon sa mga balita, isang babaeng staff ng senador ang hinihinalang nagpuslit at gumamit ng marijuana sa gusali ng Senado.
Base sa ulat, isang miyembro ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA) ang nakamoy ng tila marijuana malapit sa opisina ni Padilla.
Nang tanungin, dumipensa raw ang staff at iginiit na amoy mula lamang sa air freshener ang naamoy sa paligid.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil sa isyung ito, nagsimula na raw si Padilla ng sariling imbestigasyon upang malinawan ang pangyayari.
Samantala, tiniyak naman ng OSAA na magsasagawa sila ng random drug testing para sa lahat ng empleyado, reporter, at staff sa Senado upang matiyak na walang lumalabag sa patakaran.
Ang imbestigasyon ay layong malaman ang buong katotohanan at mapanatili ang kaayusan sa loob ng institusyon.
Si Senator Robin Padilla ay isang kilalang aktor sa Pilipinas bago siya pumasok sa pulitika. Madalas siyang tinatawag na “Bad Boy of Philippine Movies” dahil sa kaniyang mga action films noong dekada ‘90 at 2000.
Noong 2022, tumakbo siya bilang senador sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nanguna pa sa halalan ng Senado sa dami ng boto.
Isa siya sa mga kilalang tagasuporta ng mas malawak na paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na gawain at sa gobyerno.
Bukod sa pagiging aktor at politiko, si Padilla ay aktibong nagsusulong ng mga adbokasiya tulad ng federalismo, kapakanan ng mga Muslim sa bansa (bilang isa rin siyang Muslim), at reporma sa hustisya.
Panuorin ang bidyo upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito:
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh