39-anyos na lalaki, arestado dahil umano sa panghahalay sa isang lalaking Grade 2 pupil

39-anyos na lalaki, arestado dahil umano sa panghahalay sa isang lalaking Grade 2 pupil

  • Isang 39-anyos na lalaki ang inaresto sa Pasig City dahil sa alegasyon ng panggagahasa sa Grade 2 na batang lalaki
  • Ayon sa pulisya, inaya umano ng suspek ang biktima sa isang fast food chain at pagkatapos ay dinala sa bahay
  • Itinanggi ng suspek ang akusasyon at sinabing tinulungan lang niya ang bata na makauwi
  • Nakakulong ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Mark D'aiuto on Pexels
24-Oras/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube Mark D'aiuto on Pexels
Source: Youtube

Dinakip ng mga awtoridad ang isang 39-anyos na lalaki sa Pasig City matapos umano nitong halayin ang isang Grade 2 na batang lalaki.

Batay sa ulat, nakita umano ng suspek ang biktima habang pauwi ito mula sa paaralan. Lumapit umano siya sa bata, inaya itong kumain sa isang fast food chain, at pagkatapos ay dinala sa kanyang bahay.

Ayon kay Pasig police chief Police Colonel Hendrix Mangaldan, wala umanong koneksyon ang bata at ang suspek.

Nagkataon lang daw na nakita ng lalaki ang bata at nagustuhan niya ito.

Read also

9-anyos mula Iligan City, nagising matapos ma-coma dahil umano sa pambubugbog

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang.

Ayon sa kanya, wala siyang ginawang masama at tinulungan lamang niyang makauwi ang bata.

Giit pa niya, hindi totoo na pinagsamantalahan niya ang biktima at medikal na pagsusuri lamang ang makakapagpatunay kung totoo ang paratang laban sa kanya.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig Police Custodial Center at nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makakalap ng dagdag na ebidensya kaugnay ng insidente.

Panuorin ang exclusive report ni Emil Sumangil sa bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Dalawang lalaki, arestado sa panloloob at panggagahasa sa isang resort sa Cavite

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: