Dinukot na beauty queen sa Leyte, natagpuan bangkay palutang-lutang sa dagat; paa't kamay nakatali
- Natagpuang palutang-lutang sa dagat ang hubad na bangkay ni Arradaza, isang beauty queen mula Leyte, na may mga tali sa leeg, kamay, at paa, at binalot pa ng itim na tela at duct tape ang mukha
- Kinilala ng pamilya ang biktima sa pamamagitan ng kanyang mga tattoo matapos ang ilang araw ng paghahanap, sa ulat ng News5
- Batay sa imbestigasyon, huling nakita si Arradaza noong Hulyo 31 sa Valencia, Ormoc City, kung saan sapilitang isinakay sa isang kotse ng mga suspek
- Natukoy na ng mga pulis ang sasakyang ginamit sa pagdukot at kasalukuyan itong tina-track habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para sa hustisya ng biktima
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang ilang araw na pagkawala, natagpuang palutang-lutang sa dagat ang hubad na bangkay ng isang beauty queen sa Leyte, na biktima umano ng pagdukot at karumal-dumal na pagpatay, sa ulat ng News5.

Source: Youtube
Ang biktima ay kinilalang si Arradaza, dating Ms. Matag-ob.
Ayon kay PMaj. Shenna S. Layog, Acting Station Commander ng Police Station 2, Tacloban City Police Office, nakita ang bangkay ng biktima sa bloated stage, hubad, at may mga bakas ng pananakit.
“Nasa bloated stage na po ito, hubad. Ang dila nito is nakalabas na. Nakita rin po na nakatali iyong kanyang leeg saka kamay at iyong paa. Iyong mukha po nito tinakpan ng itim na tela, binalutan pa ng duct tape,” ani Layog.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kinilala ng pamilya si Arradaza sa pamamagitan ng mga tattoo sa kanyang katawan.
Batay sa imbestigasyon, huling nakita ang biktima noong Hulyo 31 sa Valencia, Ormoc City, habang naghihintay ng masasakyan. Sa CCTV footage, isang kotse ang huminto sa kanyang harapan at sapilitang isinakay siya ng mga suspek.
Hindi man malinaw ang pagkakakilanlan ng mga suspek, natukoy na ng mga pulis ang sasakyang ginamit sa pagdukot at kasalukuyan itong tina-track.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at mga responsable sa brutal na krimen. Nananawagan ang pamilya ng hustisya para kay Arradaza, na kilala sa kanilang bayan bilang mabait at masayahing dalaga.
Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh