Asong sinabuyan ng asido, patuloy na nagpapagaling sa General Santos City

Asong sinabuyan ng asido, patuloy na nagpapagaling sa General Santos City

  • Patuloy na nagpapagaling si Kano, ang asong sinabuyan ng asido sa mukha, sa pangangalaga ng Heart for Paws sa General Santos City
  • Umani ng simpatiya at galit mula sa netizens ang sinapit ni Kano, na nanawagan ng hustisya laban sa gumawa ng kalupitan, sa ulat ng Philippine Star
  • Maraming netizens ang nagpasalamat sa Heart for Paws at hinimok ang publiko na suportahan ang shelter sa kanilang mga rescue efforts
  • Panawagan ng publiko na dapat mapanagot at makarma ang taong responsable sa pananakit kay Kano

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Patuloy na nagpapagaling si Kano, ang asong sinabuyan ng asido sa mukha, matapos siyang sagipin at alagaan ngayon ng Heart for Paws sa General Santos City, batay sa ulat ng Philippine Star.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Sa kabila ng matinding pinsala, masigla pa rin si Kano at nagpapakita ng lakas ng loob habang siya’y ginagamot.

Umani ng matinding simpatiya at galit mula sa netizens ang sinapit ni Kano. Marami ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at hiniling na mabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya.

Read also

75-anyos na babaeng naiulat na nawawala sa Las Vegas, natagpuang naaagnas na

“Thank you A Heart for Paws Gensan. Please support this shelter po marami sila rescue na strays,” ani ng isang netizen na nagpapasalamat sa organisasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa pang netizen ang nagkomento, “Kawawa ka naman Kano😭😭😭 karmahin ka sa ginawa mo sa aso kung sino ka man wla kang awa pagkain lang hinihingi nila bakit kailangan saktan sila nang ganyan.”

Mariin din ang pahayag ng ilan na dapat panagutin ang may gawa ng karumaldumal na krimen.

“Gusto humimas ng rehas ang gumawa niyan mga hindi na natuto,” ani ng isa.
“Kawawa naman, I'm sure makakarma din siya sa ginawa niya at masahol pa ang mangyari sa kanya. Maraming salamat po sa Heart for Paws sa pagrescue at pagpapagamot sa kanya. More blessings will come,” dagdag pa ng isa pang netizen.

Patuloy ang panawagan ng publiko na suportahan ang mga animal rescue shelters tulad ng Heart for Paws na walang sawang tumutulong sa mga hayop na naaabuso at pinapabayaan.

Read also

38-anyos na lalaki, namatay matapos sumailalim sa hair transplant procedure

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Lalaki, patay matapos mahulog habang nanunuod ng concert

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)