Babae, patay nang mabagsakan ng debris matapos bumangga ang truck sa tindahan

Babae, patay nang mabagsakan ng debris matapos bumangga ang truck sa tindahan

  • Isang babae ang nasawi matapos tamaan ng mga debris mula sa gumuhong pader ng isang barangay cooperative store sa Barangay Bago, Ibaan, Batangas, matapos itong mabangga ng isang mabilis na truck nitong Linggo ng hapon
  • Ayon sa CCTV footage, isang truck ang papasok sana sa gate ng kooperatiba nang biglang sumulpot ang isa pang truck mula sa kabilang lane na hindi bumagal at sa halip ay biglaang lumiko upang umiwas sa banggaan, dahilan upang masalpok nito ang tindahan
  • Makalipas ang ilang segundo matapos ang aksidente, makikita sa footage ang isang lalaki na nagmamadaling bitbitin palabas ang isang babae mula sa loob ng tindahan na tinamaan ng bahagi ng pader habang namimili siya ng paninda
  • Ang driver ng truck na bumangga sa tindahan ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in h0micide at damage to property, habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang babaeng namimili lamang sa barangay cooperative store sa Barangay Bago, Ibaan, Batangas ang nasawi matapos tamaan ng bumagsak na bahagi ng pader nitong Linggo ng hapon. Sa kuha ng CCTV na iniulat sa GTV's Balitanghali nitong Lunes, makikitang papasok sa compound ng kooperatiba ang isang truck. Habang ito'y nangyayari, isa pang truck ang mabilis na paparating mula sa kabilang lane.

Read also

2-anyos na bata patay matapos atakihin ng bubuyog sa Aurora, Zamboanga del Sur

Babae, patay nang mabagsakan ng debris matapos bumangga ang truck sa tindahan
Babae, patay nang mabagsakan ng debris matapos bumangga ang truck sa tindahan (đź“·Pexels)
Source: Facebook

Imbes na bumagal, dire-diretso ang takbo ng truck at sa huling saglit ay biglang lumiko upang umiwas sa kasalubong. Dahil sa biglang maniobra, sumalpok ito sa gilid ng cooperative store. Ilang segundo matapos ang banggaan, isang lalaki ang makikitang lumalabas ng tindahan habang bitbit ang isang babae—wala na itong malay.

Ayon sa ulat, namimili ang biktima nang tamaan siya ng debris mula sa gumuho at tumumbang pader dahil sa impact ng aksidente. Agad siyang isinugod ngunit idineklarang patay. Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, nakatakdang ikasal ang biktima.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang driver ng truck na bumangga ay hawak na ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in h0micide at damage to property. Patuloy ang imbestigasyon at wala pa ring pahayag mula sa drayber.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging mitsa ng buhay ang truck accident sa Batangas. Mas maaga ngayong taon, isang binatilyong siklista ang nasawi matapos magulungan ng truck sa Cuenca, matapos itong matumba habang umiiwas sa isang tricycle. Ganito rin ang nangyari sa Ibaan kung saan inosenteng tao ang naging biktima ng kapabayaan ng ibang motorista. Nagiging paulit-ulit ang ganitong uri ng insidente, at nangangailangan ito ng seryosong pagtugon mula sa mga kinauukulan.

Read also

8-anyos na batang babae patay sa Novaliches, 13-anyos na suspek umamin sa krimen

Ayon sa pinakahuling datos, lumobo sa 2,747 ang bilang ng nasawi sa road accidents sa Pilipinas noong 2024, kung saan malaking porsyento ay dahil sa reckless driving at overspeeding, ayon sa Top Gear Philippines. Sa Metro Manila pa lang, may average na 262 aksidente kada araw, at 14% ng mga sangkot na sasakyan ay trucks at iba pang malalaking four-wheel vehicles. Sa Davao City, naitala ang 243 truck-related incidents mula 2019 hanggang 2022, karamihan ay dahil sa reckless at overspeeding na pagmamaneho.

Sa isa pang nakalulungkot na pangyayari sa Tanauan, Leyte, isang ama at anak ang nasawi matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang truck. Nakunan ng CCTV ang insidente at ipinakitang wala nang nagawa ang biktima nang bumangga sa sasakyan. Ayon sa mga ulat, parehong dead on the spot ang mag-ama.

Ito ang parehong insidente sa Batangas kung saan tinamaan ng debris ang isang babaeng customer sa isang cooperative store. Dahil sa bilis ng truck, nawalan ito ng kontrol at tuluyang bumangga sa tindahan, dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate