Dalawang lalaki, nasawi sa magkahiwalay na tunnel incidents sa Davao City at Davao de Oro
- Nasawi ang isang 54-anyos na lalaki matapos hindi makalabas mula sa tunnel sa kanilang farm sa Davao City
- Narekober ang katawan niya matapos ang isang oras na rescue operation sa binahang tunnel
- Isa pang lalaki sa Davao de Oro ang nasawi matapos matabunan ng gumuhong tunnel habang umano’y naghuhukay ng ginto
- Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga insidente at nagbabala laban sa ilegal at delikadong paghuhukay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Dalawang lalaki ang magkasunod na nasawi sa magkahiwalay na insidente ng tunnel accidents sa Davao City at Davao de Oro, ayon sa ulat mula sa mga lokal na awtoridad. Kapwa sila namatay sa loob ng mga tunnel na sila mismo ang naghukay—isa dahil sa posibleng pagkasuffocate, at ang isa naman ay dahil sa gumuhong lupa.

Source: Facebook
Sa Barangay Saloy, Calinan District sa Davao City, isang 54-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang tunnel sa kanilang lupain. Ayon sa asawa ng biktima, pumunta sila sa farm noong Biyernes, Hulyo 25, 2025. Habang siya ay abala sa pagbabalot ng bunga ng kakaw, pumasok ang kanyang asawa sa tunnel. Umuwi siya upang maghanda ng pagkain ngunit hindi na ito bumalik, kaya’t bumalik siya sa farm kinabukasan kasama ang kanilang anak upang hanapin ito.
“Unya sige mi og tawag didto sa bangag... wala man jud nitubag... naa ra man jud diay sa ilalum,” ani ni Lanie Tac-on, asawa ng biktima. Natagpuan ang katawan ng lalaki makalipas ang isang oras na rescue operation. Ayon sa awtoridad, posibleng na-suffocate siya sa loob dahil sa paggamit ng gas-powered na kagamitan na naglabas ng carbon dioxide sa tunnel.
Samantala, isang 37-anyos na lalaki naman ang nasawi sa Barangay Tuboran, Mawab, Davao de Oro, matapos gumuho ang tunnel na kanilang hinuhukay, na tinatayang may lalim na pitong metro. Kasama umano ng biktima ang dalawa pang katao na nagsimulang maghukay noong Hulyo 21, 2025, para umano sa small-scale gold mining. Agad namang rumesponde ang MDRRMO at isinugod ang biktima sa ospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa MDRRMO, patuloy ang koordinasyon nila sa ibang ahensya upang mapigilan ang mga ilegal at delikadong operasyon ng pagmimina sa lugar.
Ang mga trahedyang ito ay paalala ng panganib ng hindi ligtas na paghuhukay at kakulangan sa wastong safety protocols. Ang pagpasok sa mga tunnel na walang sapat na ventilation, suporta sa estruktura, o tamang kagamitan ay maaaring magdulot ng suffocation, pagguho, at kamatayan. Sa mga komunidad na umaasa sa ginto o iba pang likas na yaman para sa kabuhayan, mahalagang maging maingat at mapanuri upang maiwasan ang sakuna. Dapat ding suportahan ang mga programa ng lokal na pamahalaan na naglalayong turuan at bigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga residente.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph, isang lalaki rin ang nasawi matapos matabunan ng lupa sa isang balon na kanyang hinuhukay sa Laoag City. Ayon sa mga ulat, bumigay ang bahagi ng balon habang nagtatrabaho siya sa ilalim nito, at hindi na siya agad na-rescue. Nagbigay ng babala ang mga awtoridad sa mga residenteng nagsasagawa ng sariling excavation nang walang sapat na kaalaman o proteksyon.
Samantala, tatlong construction workers naman ang nalibing ng buhay habang nasa loob ng kanilang barracks matapos itong gumuho dahil sa biglaang pagbagsak ng lupa. Ayon sa imbestigasyon, posibleng may kaugnayan ito sa kasalukuyang konstruksyon at hindi matibay na estruktura ng barracks. Ang insidente ay muling nagpatampok sa kahalagahan ng maayos na workplace safety standards sa mga construction site.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh