Naaagnas na lalaki, natagpuang nakasako at nakahalo sa mga basura sa loob mismo ng kanyang bahay

Naaagnas na lalaki, natagpuang nakasako at nakahalo sa mga basura sa loob mismo ng kanyang bahay

  • Isang naaagnas na bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Sitio Lower Manalite 1, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City
  • Sa ulat ni Jamie Santos sa '24 Oras Weekend' ng GMA 7, sinabi ng baranggay na nakatanggap daw sila ng tawag tungkol sa umaalingasaw na amoy sa kanilang lugar
  • Ayon kay Larry Tactaquin Onza, nuong una, akala daw ng mga residente ay hayop ang pinanggagalingan ng mabahong amoy
  • Subalit kanilang nakumpirma na naaagnas na katawan ng isang lalaki ang pinagmumulan ng masangsang na amoy
24-Oras Weekend/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
24-Oras Weekend/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Source: Youtube

Isang naaagnas na bangkay ng lalaki ang nadiskubre sa Sitio Lower Manalite 1, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City.

Sa ulat ni Jamie Santos para sa '24 Oras Weekend' ng GMA 7, sinabi ng barangay na nakatanggap sila ng tawag ukol sa umaalingasaw na amoy sa lugar.

Ayon kay Larry Tactaquin Onza, noong una ay inakala ng mga residente na hayop ang sanhi ng mabahong amoy.

Kalaunan ay natuklasan nilang isang naaagnas na bangkay ng lalaki pala ang pinagmumulan ng masangsang na amoy.

Read also

Mga residente, nagtulungan sa pag‑ahon ng jeep mula sa baha sa Batangas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang bangkay ay nakasilid sa isang sako at nakahalo sa mga iba pang basura sa loob ng bahay ng mismong biktima.

Dahil nasa advanced stage of decomposition na ang bangkay, hirap nang kilalanin ang biktima.

Ayon sa ulat, may hinala ang mga awtoridad na may naganap umanong "foul play" sa naturang insidente.

Walang saplot ang lalaki nang siya ay matagpuan at walang nakitang bahid ng dugo sa crime scene.

Ayon sa mga awtoridad, tila sinadya daw na inayos ang crime scene upang maitago ang anumang ebidensiya.

Panuorin ang ulat ng '24 Oras' sa bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Read also

Pamilya sa Laurel, Batangas, tumawid ng baha habang buhat ang kabaong ng mahal sa buhay

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: