Gov. Vilma Santos-Recto, pinawi ang pangamba sa pagkain ng isda mula Taal Lake

Gov. Vilma Santos-Recto, pinawi ang pangamba sa pagkain ng isda mula Taal Lake

  • Kumain si Gov. Vilma Santos ng tawilis at binahagi ang video upang ipakitang ligtas itong kainin
  • Ginawa niya ito kasunod ng pangambang dulot ng ulat na may itinapong bangkay sa Taal Lake
  • Ipinaliwanag ng gobernador na non-carnivorous ang tawilis at cultured ang ibang isda
  • Hinikayat niya ang publiko na patuloy na tangkilikin ang isdang mula sa Taal Lake

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Ipinamalas ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang suporta sa mga lokal na mangingisda sa pamamagitan ng personal na pagkain ng tawilis sa harap ng publiko upang ipakita na ligtas pa rin itong kainin sa kabila ng mga kumakalat na isyu hinggil sa Taal Lake.

Gov. Vilma Santos-Recto, pinawi ang pangamba sa pagkain ng isda mula Taal Lake
Gov. Vilma Santos-Recto, pinawi ang pangamba sa pagkain ng isda mula Taal Lake (📷Vilma Santos-Recto/Facebook)
Source: Facebook

Noong Biyernes, Hulyo 18, binahagi niya ang video kung saan makikita siyang kumakain habang nagbibigay linaw tungkol dito.

Nagsimula ang takot ng ilan sa mga mamimili at residente matapos ibunyag ng isang whistleblower, si Julie "Dondon" Patidongan o alyas Totoy, na umano’y itinapon sa Taal Lake ang mga bangkay ng ilang nawawalang sabungero. Dahil dito, biglang nagdalawang-isip ang marami sa pagbili ng isda gaya ng tawilis, tilapia, bangus, at maliputo — mga produktong pangunahing kabuhayan sa lugar.

Sa harap ng isyung ito, tahasang sinabi ni Gov. Vilma, “Okay, nothing to worry, with all these issues about our Taal. Nothing to worry.” Dagdag pa niya, “First of all, 'yong mga isda po natin diyan like tilapia and bangus, cultured 'yan... Tapos ang tawilis po natin, non-carnivorous.” Nilinaw din niyang halaman ang karaniwang kinakain ng tawilis, kaya’t walang dapat ikabahala ang mga mamimili.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa gobernador, napakalawak ng Taal Lake at alaga naman ang mga isda rito sa pamamagitan ng mga fish pens. Kaya’t hindi umano dapat maapektuhan ng mga isyu ang kabuhayan ng mga mangingisda at ang tiwala ng mga konsumer sa kalidad ng isda mula sa lawa. “Enjoy tawilis, enjoy tilapia, enjoy our bangus and maliputo. Mabuhay ang Taal Lake,” masaya niyang wika habang tinutuloy ang pagkain ng tawilis.

Bilang isang dating aktres na ngayon ay aktibong nagsisilbi bilang gobernador, si Vilma Santos-Recto ay matagal nang kilala hindi lamang sa larangan ng entertainment kundi pati sa pulitika. Sa mga ganitong pagkakataon, patuloy niyang ipinapakita ang kanyang malasakit sa mga Batangueño—hindi lamang sa pamamagitan ng mga proyekto kundi maging sa personal na pagharap sa mga isyu na may direktang epekto sa lokal na ekonomiya at kalusugan ng publiko.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso ng mga nawawalang sabungero, kumpirmado na ring may mga narekober na buto ng tadyang ng tao at hayop mula sa Taal Lake. Sa kabila nito, nananatiling positibo si Gov. Vilma na hindi dapat maisama ang pangambang ito sa kalidad ng mga lamang-dagat mula sa lawa.

Sa naunang ulat, ipinahayag ni Jessy Mendiola ang kanyang buong suporta sa kanyang biyenan na si Vilma Santos. Sa isang post, tinawag niyang “momski” si Vilma at inilahad kung gaano niya hinahangaan ang katatagan at malasakit ng gobernadora. Isa itong patunay ng matibay na ugnayan ng kanilang pamilya kahit sa gitna ng mga isyu at responsibilidad.

Sa isa pang trending na article, naging tampok din si Vilma Santos matapos niyang sagutin ang request ng social media personality na si Senyora, na nais makapanayam ang mister ng gobernadora na si Sen. Ralph Recto. Sa kanyang nakakaaliw at positibong tugon, muli niyang pinakita ang kanyang pagiging approachable at palabiro kahit nasa mundo ng pulitika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: