Baby na walang kaliwang binti, natagpuang patay sa Antipolo
- Isang patay na sanggol na wala ang kaliwang binti ang natagpuan malapit sa barangay outpost sa Cupang, Antipolo City noong gabi ng Hulyo 7, 2025
- Isang residente ang nakadiskubre sa bangkay bandang alas-6 ng gabi at agad na iniulat ito sa mga awtoridad
- Rumesponde ang mga pulis at SOCO sa lugar at dinala ang bangkay para sa autopsy at karagdagang imbestigasyon
- Sinusuri na ng mga awtoridad ang mga CCTV at tinitingnan ang mga tala ng mga lokal na health center upang matukoy ang pagkakakilanlan ng sanggol at kung ano ang nangyari
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad sa Antipolo City ang pagkakadiskubre ng isang bangkay ng sanggol na natagpuang wala nang buhay malapit sa barangay outpost ng Cupang noong gabi ng Hulyo 7, 2025.

Source: Facebook
Ayon sa pulisya, isang concerned na residente ang unang nakakita sa sanggol bandang alas-6 ng gabi at agad ipinaalam ito sa mga opisyal ng barangay, na tumawag naman sa mga pulis.
Pagdating ng mga rumespondeng pulis, nakumpirma nilang patay na ang sanggol.
Nakakabigla, dahil natagpuan ang bangkay na wala ang kaliwang binti. Hindi pa tiyak ng mga awtoridad kung ang pinsala ay naganap bago o matapos ang pagkamatay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Maraming mga netizens ang nagpahayag ng saloobin ukol sa pagkakatagpo ng patay na baby.
oh, see??? dapat imbis na batas pag abandona sa matanda atupagin kase may lapses or loophole dyan, mas unahin ninyo yang pag abandona sa anak at negligence ng magulang sa anak. sanggol pa lang pinabayaan na at namatay. yan ang gawan niyo ng batas. hayzz.
Napaka walang puso ang ng-iwan sa kawawang baby.Wla mang nakakita sayo,ang DIYOS kitang-kita k!!!
baka nakain n ng aso kaya nawala n binti,..grabe!!!
Sana pinamigay nia nalang or iniwan sa safe na lugar
Ang mga balita, larawan, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinubuhos ng publiko. Karaniwan, ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay puwedeng sumikat dahil dito, dahilan upang maging relatable sila sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, si Josh Mojica, may-ari at CEO ng Kangkong Chips Original, ay naharap sa batikos matapos mag-viral ang kanyang video. Sa Facebook video na in-upload niya noong Hulyo 2, makikitang nagmamaneho siya sa EDSA sakay ng kanyang sports car habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan ng video ang sarili, ang sasakyan, at ang kalsada. Dahil dito, umani ng atensyon ang video at umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), na naglabas ng suspensyon sa lisensya ni Mojica sa loob ng 90 araw.
Bukod pa rito, naglabas din ng show cause order ang LTO laban kay “Yanna,” isang motorcycle vlogger. Ito ay kaugnay ng viral road rage video kung saan siya at isang pickup driver ay nagkaroon ng sagupaan habang nagmamaneho sa baku-bakong daan sa Zambales. Matatandaang naglabas na si Yanna ng pampublikong paghingi ng tawad sa isang Facebook video. Kaugnay nito, sinabi ni Senador JV Ejercito na bagama’t humingi na ng tawad ang moto-vlogger, nararapat pa rin niyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh