LBC, naglabas na ng pahayag ukol sa insidente ng kanilang delivery truck sa Atimonan

LBC, naglabas na ng pahayag ukol sa insidente ng kanilang delivery truck sa Atimonan

  • Naglabas na ng opisyal na pahayag ang LBC, isang kilalang courier company
  • Noong Wednesday, July 9, naglabas ng statement card ang LBC sa Facebook
  • Ito ay may kinalaman sa kanilang truck at sa isang insidente sa Atimonan, Quezon
  • Aniya LBC, tinitiyak nilang mai-deliver agad ang mga shipments sa customers

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang LBC, isang kilalang courier company sa Pilipinas, kaugnay sa insidenteng kinasangkutan ng isa sa kanilang delivery trucks sa Atimonan, Quezon.

Kumalat kamakailan sa social media, partikular sa Facebook, ang ilang larawan ng mga tila balikbayan boxes na nakalagay sa gilid ng kalsada, na agad umani ng reaksyon mula sa publiko.

LBC, naglabas na ng pahayag ukol sa insidente ng kanilang delivery truck sa Atimonan
Photos: TungArt7 on Pixabay
Source: Original

Sa kanilang opisyal na Facebook page, nilinaw na ng LBC ang kanilang panig sa nangyaring insidente at sinabing: "Ka-LBC, dahil sa recent incident na nangyari sa isa sa mga trucks namin sa Atimonan, Quezon, nagpapasalamat kami na ligtas ang lahat at nabigyan ng wastong tulong."

Ayon sa LBC, may ilang shipments na naapektuhan at kasalukuyan nilang inaa-assess ang sitwasyon. "May ilang shipments na naapektuhan at kasalukuyan naming ina-assess ang situation. Alam namin kung gaano kahalaga ang bawat padala, kaya gusto naming i-assure kayo na aalagaan namin ang bawat shipment," saad nila sa kanilang opisyal na pahayag sa Facebook.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tiniyak din ng kumpanya sa kanilang mga customer na ginagawa nila ang lahat upang agad na maihatid ang mga padala o maibigay ang nararapat na suporta: "Gagawin namin ang lahat para ma-deliver agad ang inyong package o ibigay ang tamang support na kailangan ninyo. Sisiguraduhin naming walang maiiwan na unresolved," aniya LBC sa kanilang account.

Sa huling bahagi ng kanilang pahayag, nagpaabot din sila ng paalala tungkol sa importance ng road safety bago magpasalamat sa tiwala ng kanilang customers online, "Bagama't hindi natin gusto ang ganitong aksidente, paalala ito kung gaano kahalaga ang road safety para sa drivers, customers, at buong community. Lubos naming pinahahalagahan ang inyong pasensya at pag-unawa sa pag-ayos ng sitwasyong ito. Maraming salamat sa patuloy na tiwala ninyo sa amin."

Makikita ang original na post dito:

LBC, naglabas na ng pahayag ukol sa insidente ng kanilang delivery truck sa Atimonan
Screenshot mula sa Facebook page ng LBC EXPRESS INC.
Source: Facebook

Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office o LTO laban sa mga driver at may-ari ng anim na sports car na tila sangkot sa isang viral na video sa social media. Ang nasabing video na kumakalat ay iniulat na nagpapakita ng karerahan o racing ng mga naturang sasakyan.

Samantalang si Ciara Magallanes, isang kilalang momfluencer, ay isinugod kamakailan sa ER. Aniya Ciara, siya raw ay talagang naiyak dahil sa insidente. Pag-amin pa nga niya, naiyak siya dahil naisip niya ang kanyang mga anak. Dahil dito, inulan ng suporta ang post ni Ciara mula sa mga netizens at pati na rin celebrities.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Tags: