Babaeng magre-remit lang sana ng pera, sunog at naaagnas na ang katawan ng matagpuan

Babaeng magre-remit lang sana ng pera, sunog at naaagnas na ang katawan ng matagpuan

  • Isang babae na magre-remit lang sana ng pera ang natagpuang bangkay na sa Masbate
  • Ang nasabing babae ay kinilalang si Carol Manatad, 29-anyos na natagpuang naaagnas na sa masukal na bahagi ng Barangay Pawican, Cataingan, Masbate
  • Halos hindi na makilala ang biktima na sinunog pa ang katawan bago tuluyang iwanan
  • Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad na ibinalita sa ONE Balita Pilipinas, June 25 nang magpunta sa Barangay Poblacion ang biktima para mag-remit ng pera

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

ONE Balita Pilipinas/One PH on YouTube
ONE Balita Pilipinas/One PH on YouTube
Source: Youtube

Sa mga oras na iyon, angkas niya sa motor ang isang kaibigan na ibinaba niya umano sa isang banko.

"Di niya alam kung saan pumunta, pero nandito lang daw sa Poblacion, nag-ikot- ikot, may [mga] pinagbibili. After that, umuwi silang dalawa, pagdating nila sa Barangay, bumaba na 'yung kasama niya, 'yung mga pinamili niya..." said PSSG FLORIAN JUMAWAN, IOC, CATAINGAN MPS. "...iniwan lang naman din, nagmamadali raw na bumalik dito sa Poblacion."

Dumulog sa tanggapan ng mga awtoridad ang pamilya ni Carol para humingi ng tulong sa paghahanap sa kanya.

June 27, nang makauwi ang asawa ni Carol mula sa Maynila, subalit wala pa rin si Carol.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umaga ng June 28, isang residente ang dumulog sa mga awtoridad para i-report ang isang masangsang na amoy.

At duon na nga nila nadiskubre ang kalunos-lunos na kalagayan ng bangkay ni Carol.

Ayon sa mga awtoridad, mayroon na umano silang 'person of interest.'

"According sa doktor may stab wound sa dibdib, isa lang, sa ngayon po hindi po tayo makakapagsabi kung hinalay ba siya kasi hindi pa na-autopsy 'yung body niya," PSSG Jumawan added.

Watch the report in the video below:

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.

In a previous report by KAMI, a family of three was mercilessly shot and killed inside their store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Caught by CCTV, three men entered their store, closed the roll-up door, and shot the entire family to death. Before fleeing, one of the suspects even grabbed a bag and a mobile phone from the victim. In a report by Gary De Leon of TV 5's 'Frontline Pilipinas,' the family started getting threats after lending P1-M to one of the residents of their barangay; allegedly using the money for business.

In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: