Simbahan sa Naga pansamantalang nagsara matapos ang trahedya

Simbahan sa Naga pansamantalang nagsara matapos ang trahedya

  • Isang lalaki ang nagpakamatay sa loob ng Parokya ni San Francisco de Asis sa Naga City matapos ang misa
  • Pansamantalang isinara ang simbahan mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 2 para sa Rite of Reparation and Healing
  • Archdiocese of Cáceres nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa pamilya at komunidad
  • Simbahan humihikayat sa mga nakararanas ng pagdurusa na humingi ng tulong mula sa pari o kaibigan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagluksa ang komunidad ng Naga City matapos ang isang malungkot na trahedyang naganap sa loob mismo ng Parokya ni San Francisco de Asis noong Linggo, Hunyo 29. Isang lalaki ang nagpakamatay sa mismong loob ng simbahan matapos ang banal na misa, bagay na labis na ikinagulat at ikinalungkot ng mga dumalo at ng buong parokya.

Simbahan sa Naga pansamantalang nagsara matapos ang trahedya
Simbahan sa Naga pansamantalang nagsara matapos ang trahedya (📷San Francisco Parish - Naga City/Facebook)
Source: Facebook

Dahil sa insidente, pansamantalang isinara ang simbahan mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 2, ayon sa pahayag ng Archdiocese of Cáceres. Ang pagsasara ay alinsunod sa Canons 1211-1212 ng Code of Canon Law upang ibalik ang kabanalan ng espasyo. Isasagawa ang Rite of Reparation and Healing sa gabi ng Hulyo 2 bilang tugon sa pangyayaring ito at para sa sama-samang paghilom ng komunidad.

Sa kanilang opisyal na pahayag, sinabi ng Archdiocese, “In these moments of sorrow and uncertainty, the Church offers not judgment, but the hope of Christ's mercy, who came to bind up the wounded and heal the brokenhearted.” Dagdag nila, “The Archdiocese is also collaborating closely with the proper authorities.”

Sa panahong ito, wala munang pampublikong misa o pagdiriwang sa loob ng simbahan. Hinihikayat naman ng simbahan ang sinumang nakararanas ng matinding pasanin o kalungkutan na lumapit sa pari, tagapayo, o pinagkakatiwalaang kaibigan upang humingi ng tulong. “We are here for you,” huling saad ng Archdiocese.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang trahedya sa Naga ay paalala kung gaano kahalaga ang pagbibigay-pansin sa mental health ng bawat isa. Ayon sa mga eksperto, ang mga taong nagkakaisip na magpakamatay ay kadalasang dumaranas ng malalim na depresyon, hopelessness, o matinding personal na problema—na maaaring hindi nila nailalabas sa iba.

Ang simpleng pakikinig, pagbibigay-oras, o pag-abot ng tulong ay maaaring magsalba ng buhay. Mahalaga ring itaguyod ang kultura ng pag-unawa at hindi paghusga, lalo na sa mga taong dumaranas ng emosyonal na krisis. Kung ikaw o may kakilala kang may pinagdaraanang mabigat, huwag mag-atubiling humingi ng tulong mula sa mga eksperto o malalapit na tao.

Isang teacher ang nagpakamatay umano matapos magreklamo ng labis na workload sa ilalim ng Department of Education. Base sa mga testimonya, nakaramdam umano ito ng labis na pagod at presyur. Isa na naman itong insidente na muling nagpaalala sa kahalagahan ng mental health support sa mga frontliners tulad ng mga teachers.

Isa pang teacher ang kinumpirmang nagpakamatay matapos mag-iwan ng serye ng nakababahalang mensahe sa social media. Maraming netizens ang nagpaabot ng pakikiramay at panawagan para sa mas konkretong suporta sa mental health ng mga teachers. Sa ulat, kinilala ang titser bilang mabait at dedikado ngunit tahimik pala sa sariling pinagdaraanan.

Habang nananalangin ang buong komunidad para sa kapayapaan ng yumaong lalaki, dalangin din ng simbahan ang mas malawak na pang-unawa at malasakit para sa mga taong dumaraan sa mabigat na pagsubok sa buhay. Sa panahon ng sakit at kalituhan, maging liwanag nawa ang bawat isa sa isa’t isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate