Paalam sir! Pang-apat na gurong nagpatiwakal, nagpahiwatig pa sa socmed ng balak na pagpapakamatay

Paalam sir! Pang-apat na gurong nagpatiwakal, nagpahiwatig pa sa socmed ng balak na pagpapakamatay

- Nakapagpost pa ang isang lalaking guro ng balak niyang pagkitil sa sariling buhay ilang linggo bago niya ito tuluyang gawin

- Nakilala ang guro na si Jay Rubina, pang-apat na kaso ng "suicide" sa mga kaguruan

- Nabahala ang mga kapwa guro sa dumaraming kaso ng pagpapakamatay nito lamang taong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang guro ang mas pinili pang kitilin ang sariling buhay kamakailan.

Sa post ng isang netizen na may pangalang Donato Pascual sa facebook, binahagi niya ang kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng guro na nakilalang si Jay Rubina.

Nalaman ng KAMI na nagpahiwatig pa si sir Jay sa isang group page ng mga guro na nagsasabing marahil siya ang magiging pang-apat na gurong magpapatiwakal ilang linggo bago niya ito tuluyang magawa.

Ayon pa sa post ni Donato, nagawa pa raw ng ilang kapwa guro nila sa grupo na palakasin pa ang loob ni sir Jay sa pamamagitan ng mga mensahe na nagsasabing kayanin dapat nito ang mga nakaatang na gawain at huwag basata basta susuko.

Setyembre 5 nang mabasa lamang din ni Donato ang post ng kaibigan ni sir Jay patungkol sa paglisan nito.

Nakilala ang kaibigan na ito ni sir Jay na si Aquarius Nullas na siyang nagbahagi ng pagkamatay ng guro sa pagkitil sa sarili niyang buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maalalang nauna nang naibahagi ng KAMI ang dalawa sa mga naunang kaso ng mga guro na nagpakamatay at ang tinuturong dahilan ay ang sistema ng pamamalakad ngayon ng DepEd kung saan umaapaw ang trabaho na tila naisasantabi na ang pagtuturo.

Bukod sa pakikisimpatya, umani rin ng iba't ibang reaksyon ang panibagong kaso ng pagpapatiwakal ng guro. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Condolence po sir. Pero sana f d na kaya magturo its better na lng na umalis sa work kesa kitlin natin ang ating buhay"

"Condolence po parang naalala q nagcomment pa ito si sir tungkol sa issue ng isang guro na nagpakamatay din na minsan naisip na rn daw nya yung ganung bagay pro nagpakatatag pa rn daw cya hindi rn pla nya nakayanan amg sitwasyon. RIP sir."

"Maliliit pa mga anak nya,Kawawa naman"

"Condolence why nag suicide ba sya.kung anu man reason syang ang life nya sna naghingi sya ng mga advises o support group"

"Rest in peace Sir..... My mga taong masayahin sa harap ng lahat pero siguro my mga problema tinatago"

Naulila ni sir Jay ang tatlo niyang maliliit pang mga anak at naiwan din niya ang kanyang asawa.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica