Mastermind sa mga nawawalang sabungero, 'hindi basta-bastang kalaban' ayon sa DOJ

Mastermind sa mga nawawalang sabungero, 'hindi basta-bastang kalaban' ayon sa DOJ

  • Iginiit ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na malaki at makapangyarihan ang utak sa likod ng kaso ng mga nawawalang sabungero
  • Ayon sa kanya, may kakayahan umano ang suspek na suhulan ang ilang opisyal, kahit sa hanay ng hudikatura
  • Sinabi ni Remulla na may video evidence si alyas "Totoy" bukod sa kanyang testimonya
  • Nais daw niyang kausapin mismo ang Chief Justice dahil sa bigat ng implikasyon ng isiniwalat

Sa tila pelikulang kwento ng mga nawawalang sabungero, mas umiigting ang tensyon matapos ang diretsahang pagsiwalat ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla tungkol sa umano’y makapangyarihang utak sa likod ng krimen.

Mastermind sa mga nawawalang sabungero, 'hindi basta-bastang kalaban' ayon sa DOJ
Mastermind sa mga nawawalang sabungero, 'hindi basta-bastang kalaban' ayon sa DOJ (📷Boying Remulla/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang media interview noong Huwebes, Hunyo 26, 2025, binigyang-diin ni Remulla na hindi ordinaryong kalaban ang kanilang kinakaharap. Ayon sa kanya, kayang suhulan ng suspek ang ilang miyembro ng gobyerno—pati na raw ang nasa hudikatura.

“Ang bigat ng kalaban dito kasi ang perang iyan, nakakapasok iyan even sa judiciary,” ani Remulla. Sa lakas umano ng e-sabong money, hindi raw malayong maimpluwensyahan ang mga institusyong dapat sana ay nagtatanggol sa batas. “Kaya kailangan kausapin ang Chief Justice,” dagdag pa ng kalihim.

Binanggit din niya ang bagong testigo sa kaso na si alyas "Totoy," na umano’y may direct knowledge sa mga nangyari sa 34 na nawawalang sabungero. Kinumpirma ni Remulla na sinusuportahan nila ang mga pahayag ni Totoy, lalo’t mayroon din daw itong video bilang ebidensiya. “Credible enough [si Totoy] and sabi ko nga, 'di lang testimony, may video pa nga [siya] na hawak na magpapatunay,” giit ni Remulla.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang si "Totoy" ang lumutang na whistleblower na nagbunyag ng umano'y pamamaslang sa mga sabungero at ilang drug lords na isinagawa raw ng hindi pa pinapangalanang grupo na konektado umano sa ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP). Ang nakakagimbal pa, isinisiwalat niya na ang mga biktima ay diumano’y inilibing sa ilalim ng Taal Lake.

Si Jesus Crispin “Boying” Remulla ay kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan ng Pilipinas. Kilala siyang matapang at lantad kung magsalita, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon at high-profile crimes. Ang kaso ng mga nawawalang sabungero ay isa sa mga pinaka-kontrobersyal na kinahaharap ng DOJ sa ilalim ng kanyang pamumuno, na tumatalakay hindi lamang sa krimen kundi pati na rin sa umano'y malawakang katiwalian sa loob ng gobyerno.

Ang e-sabong, isang online betting platform na dati nang ipinatigil ng pamahalaan, ay iniugnay sa iba't ibang kaso ng pagkawala, pamamaslang, at ilegal na transaksyon na kumakalat sa iba't ibang ahensya at sektor.

Sa naunang ulat, isiniwalat ni alyas "Totoy" na siya mismo ay may direct knowledge sa sinapit ng mga sabungero. Ayon sa kanya, ilang miyembro ng PNP ang sangkot sa umano’y pamamaslang, at ibinunyag din niyang inilibing ang mga katawan sa ilalim ng Taal Lake. Habang tumitindi ang media exposure, isiniwalat din niya na nakakatanggap ng pagbabanta ang kanyang pamilya, kaya’t humihingi siya ng proteksyon.

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) ang plano nitong isagawa ang isang malalimang retrieval operation sa ilalim ng Taal Lake. Layunin nito na mahanap ang mga sinasabing labi ng mga nawawalang sabungero base sa impormasyong ibinigay ni alyas Totoy. Ayon sa ulat, gagamit ng advanced sonar at underwater drone technologies ang PCG upang magsagawa ng operasyon sa lalim na mahirap abutin ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate