14-anyos, patay matapos mabaril ng 16-anyos na kaibigan sa sementeryo sa Taguig
- Isang 14-anyos na binatilyo ang nasawi matapos mabaril ng 16-anyos na kaibigan sa sementeryo sa Taguig
- Sa CCTV footage, makikita ang pagbagsak ng biktima mula sa bubong ng isang mausoleo
- Ayon sa 16-anyos na salarin, aksidente ang nangyaring pamamaril at dala umano ng kuryosidad
- Kusang sumuko ang salarin kinabukasan sa tulong ng ama at inamin ang kanyang ginawa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang trahedya ang yumanig sa Barangay Tuktukan, Taguig City nitong Martes ng gabi, Hunyo 24, matapos mabaril at mamatay ang isang 14-anyos na binatilyo sa bubong ng isang mausoleo sa Tuktukan Public Cemetery. Ayon sa kuha ng CCTV, makikita ang biktima na nasa bubong kasama ang ilang kabataan bago ito bigla na lamang bumagsak sa kalsada.

Source: Facebook
Ayon sa mga barangay tanod na unang rumesponde, buhay pa ang biktima nang datnan nila ito. “May nagpunta na meron daw nabaril dito nagpapahanap pa ng ambulansya,” ani tanod na si Armando Esteban. Agad dinala sa ospital ang binatilyo ngunit binawian din ng buhay pagsapit ng madaling araw ng Miyerkules.
Nagbigay din ng pahayag si Russel Mahusay, isang tindero na malapit sa pinangyarihan. Aniya, “Nakita na lang po namin naka bagsak na po 'yung biktima dun sa baba… Sa taas po, sir, dun po kanina mga nakaupo tambay po sila dun.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Apat na di pa nakikilalang lalaki ang unang pinaghinalaang suspek sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya. Ngunit sa follow-up operations, natukoy at natunton ang 16-anyos na suspek na tinaguriang Child In Conflict with the Law (CICL). Bandang alas-9 ng umaga ng Miyerkoles, kusa itong sumuko sa tulong ng kanyang ama.
Base sa salaysay ng CICL, galing siya sa computer shop nang mapadaan sa sementeryo at makita ang kanyang kaibigan. Naglabas siya ng baril at dala umano ng kuryosidad, nakalabit niya ang gatilyo. Tinamaan ang biktima na kalaunan ay namatay. Dahil sa takot, itinapon niya ang baril at agad tumakas patungong Bagong Silang.
Aminado rin ang CICL na sila ng kanyang nabaril na kaibigan ay dati nang nasangkot sa carnapping at ilang insidente ng pagnanakaw.
Ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o Republic Act No. 9344 ay isang batas na naglalayong protektahan ang mga batang nasasangkot sa krimen (Child in Conflict with the Law). Layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang mga menor de edad na makapagbagong-buhay sa halip na agad ikulong, lalo na kung sila ay may edad 15 pababa. Sa mga kasong sangkot ang mga edad 15 hanggang 18, kailangan munang suriin kung may kakayahang unawain ng bata ang kanyang ginawa. Pinaiiral dito ang "diversion program" upang mailayo ang kabataan sa kriminal na sistema at mabigyang ng pagkakataong itama ang kanilang landas.
Sa Dasmariñas, Cavite, isang live-in couple ang nasawi matapos silang salpukin ng isang kotse na minamaneho ng menor de edad. Batay sa ulat ng pulisya, nawalan ng kontrol ang kotse habang bumabaybay sa kalsada, dahilan upang bumangga ito sa motorsiklo ng magkasintahan. Patay ang babae agad sa aksidente habang ang lalaki ay binawian ng buhay sa ospital. Inaalam pa kung saan nakuha ng menor de edad ang sasakyan.
Kabilang ang dalawang menor de edad sa 34 kataong umano’y iligal na dinampot habang nagsusugal sa sabungan sa Batangas at itinapon umano sa Taal Lake. Ayon sa mga kamag-anak, wala umanong arrest warrant o due process sa insidente. Hindi pa rin nakikita ang ilan sa mga nawawala. Patuloy ang panawagan ng hustisya ng mga pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh