Mga taga-Davao del Sur at Compostela, pinasuot muli ng face mask dahil sa mpox scare
- Iniutos ng mga lokal na opisyal ng Davao del Sur at Compostela ang pagsusuot ng face mask dahil sa mpox cases
- Base sa mga Executive Order nina Gov. Yvonne Cagas at Mayor Levi Ebdao, ipinag-utos ang face mask sa pampublikong lugar
- Naiulat ang isang kumpirmadong kaso ng mpox sa Magsaysay, Davao del Sur at tatlong suspected cases sa Davao de Oro
- Pinapaalalahanan ang publiko na magsuot din ng mask sa matataong outdoor area kung saan mahirap ang physical distancing
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa gitna ng banta ng monkeypox o mpox, ipinatupad muli ang mandatory face mask policy sa Davao del Sur at maging sa bayan ng Compostela sa Davao de Oro. Mismong sina Davao del Sur Governor Yvonne Cagas at Compostela Mayor Levi Ebdao ang naglabas ng kani-kanilang Executive Orders — No. 20 at No. 40 — nitong Mayo 28 at 29, 2025.

Source: Facebook
Ayon sa utos, kinakailangang magsuot ng face mask ang lahat ng residente sa mga pampublikong lugar gaya ng palengke, simbahan, paaralan, opisina, pampublikong transportasyon, mga negosyo, at mga saradong espasyo.
Hindi lang 'yan — pati sa matataong outdoor areas kung saan mahirap ang social distancing, expected pa rin ang pagsusuot ng mask. Ang mga kautusang ito ay agad na ipinatupad matapos maiulat ang isang kumpirmadong kaso ng mpox sa Magsaysay, Davao del Sur. Sa Davao de Oro naman, may naiulat nang isang kumpirmadong kaso at tatlong suspected cases ayon sa kanilang Provincial Health Office.
Ang monkeypox o mpox ay isang viral infection na maaaring maipasa sa pamamagitan ng close contact, partikular kung may skin lesions, respiratory droplets, o kontaminadong bagay. Mula nang pumutok ang balita ng isang kaso sa Magsaysay, naging maagap ang mga lokal na opisyal sa pagpapatupad ng preventive measures. Ayon sa mga health authorities, mainam na hindi maging kampante at patuloy pa ring pairalin ang mga nakasanayang health protocols gaya noong kasagsagan ng COVID-19.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang mpox ay hindi kasing nakakahawa ng COVID-19, pero delikado pa rin, lalo na kung hindi maagapan. Naipapasa ito sa pamamagitan ng close contact — balat-sa-balat na contact, respiratory droplets, o pakikigamit ng mga kontaminadong bagay tulad ng damit o kumot. Ang mga sintomas nito ay lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng katawan, kulani, at rashes o sugat sa balat na lumalabas ilang araw matapos ang unang sintomas.
Isang pasyente na nagpositibo sa mpox ang naiulat na dumaan sa isang ilegal na derma spa bago pa man ito nakumpirma. Ayon sa Department of Health, hindi umano agad naitago ang sintomas ng sakit kaya’t posibleng nakapanghawa ito sa iba pang tao sa spa. Muling nanawagan ang DOH na iwasan ang mga hindi lisensyadong klinika lalo na kung ito ay hindi aprubado ng gobyerno.
Nagbabala ang mga eksperto tungkol sa posibleng pangmatagalang epekto ng COVID-19, tulad ng fatigue, brain fog, at iba pang neurological symptoms. Ilang buwan matapos gumaling, may mga pasyente pa rin ang hindi agad nakakabalik sa normal na aktibidad. Ito rin ang dahilan kung bakit nanawagan ang ilang health professionals na huwag balewalain ang mga sintomas kahit tapos na ang infection.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh