Anak ni Anson Que, cleared na ng PNP: “Walang direktang ebidensya”
-Inalis na ng PNP ang pangalan ni Alvin Que sa listahan ng mga respondent sa kaso ng pagkidnap at pagpatay sa kanyang ama
-Wala umanong direktang ebidensya na mag-uugnay sa kanya sa krimen ayon sa imbestigasyon ng PNP
-Isang suspect ang nagbunyag sa pangalan ni Alvin, pero binigyang-diin ng PNP na hindi nila basta tinatanggap ang kanyang pahayag
-Inihahanda na rin ng PNP ang opisyal na mosyon para sa DOJ na pormal na alisin ang pangalan ng anak ni Anson Que sa reklamo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na sangkot si Alvin Que sa pagkidnap at pagpatay sa kanyang amang si Anson Que. Sa isang press briefing sa Camp Crame, ipinaliwanag ni Police Brigadier General Jean Fajardo na wala silang nakitang direktang ebidensya laban sa nakababatang Que, taliwas sa naging pahayag ng isa sa mga suspect na si David Tan Liao.

Source: Facebook
“Based sa naging case buildup and investigation ng PNP, walang direktang ebidensya na maglilink kay Ginoong Alvin Que sa nangyaring pangingidnap sa kanyang ama,” ani Fajardo. Giit pa niya, hindi rin galing sa PNP ang kopya ng extrajudicial confession ni Liao na naglabas ng pangalan ni Alvin.
Binigyang-diin din ng opisyal na hindi nila pinaniniwalaan agad-agad ang salaysay ni Liao, lalo’t may posibilidad na ginagamit lang ito upang iligaw ang imbestigasyon. “Minamuddle niya [Liao] ang investigation para hindi matupok ang mga kasamahan niya,” dagdag pa ni Fajardo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kaugnay nito, kinumpirma ng PNP na isusumite nila sa Department of Justice ang opisyal na mosyon para alisin sa reklamo ang pangalan ni Alvin Que. “Yung official motion to amend the complaint will be submitted tomorrow officially,” aniya. Ayon din sa PNP, ipinaalam na ito sa pamilya ni Alvin.
Si David Tan Liao, ang pangunahing suspect, ay sumuko noong Abril 19 matapos mahuli ang kanyang mga kasamahan na sina Richardo Austria at Reymark Catequista sa Roxas, Palawan. Sa kanyang pahayag, inamin niya ang pagkakasangkot sa krimen at idinawit si Alvin, pati na si Kelly Tan Lim alyas Gong Wenli, na kasalukuyan pa ring pinaghahanap. May nakalaang P5 milyon na pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Kelly.

Read also
Sparkle Management, naglabas ng statement sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ni Kyline
Ayon sa imbestigasyon, isang malawakang sindikato ang nasa likod ng krimen, na gumagamit ng junket operations at cryptocurrency para mailipat ang ransom money. Umabot sa ₱200 milyon ang naipadala ng pamilya Que bilang ransom, ngunit kalaunan ay natagpuang patay si Anson at ang kanyang driver sa Rodriguez, Rizal.
Si Anson Que ay isang kilalang Chinese-Filipino businessman na aktibo sa larangan ng importation at junket operations. Siya ay napaulat na dinukot noong Marso 29 kasama ang kanyang driver, at isang ransom na nagkakahalaga ng $20 milyon ang hinihingi ng mga dumukot. Sa kabila ng pagbabayad ng malaking halaga sa pamamagitan ng cryptocurrency, parehong natagpuang wala nang buhay sina Que at ang kanyang driver.
Sa unang ulat, lumabas ang pangalan ni Alvin Que matapos siyang isangkot ng suspek na si David Tan Liao sa krimen. Naging viral ang balitang ito matapos mailathala ang umano'y extrajudicial confession ni Liao, na umani ng matinding reaksyon mula sa publiko.
Nilinaw ng PNP na hindi nila tinatanggap bilang katotohanan ang alegasyon ni Liao at kanilang sinisiyasat ang tunay niyang motibo. Sa parehong ulat, ipinahayag din ni Gen. Fajardo ang galit ng kanilang hanay sa maling paggamit sa sensitibong dokumento.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh