Dia Mate ng Pilipinas, itinanghal na Reina Hispanoamericana 2025

Dia Mate ng Pilipinas, itinanghal na Reina Hispanoamericana 2025

  • Itinanghal si Dia Mate ng Pilipinas bilang Reina Hispanoamericana 2025 sa Santa Cruz, Bolivia kung saan tinalo niya ang 24 na ibang kandidata
  • Nakuha ni Mate ang Best in National Costume matapos niyang ipakita ang isang kasuotang may inspirasyon mula sa tatlong pangunahing piyesta ng Pilipinas
  • Ipinamalas niya ang kanyang husay sa pagsagot sa final Q&A kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kabutihan sa lipunan
  • Siya ay isang singer at modelo na dati nang lumahok sa Miss Universe Philippines 2024 bago tuluyang masungkit ang Reina Hispanoamericana Filipinas title sa Miss World Philippines 2025

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Itinanghal bilang Reina Hispanoamericana 2025 ang Pilipinang si Dia Mate sa grand coronation night na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia nitong Pebrero 9 (Pebrero 10 sa Maynila). Napagtagumpayan ng dalaga mula sa prominenteng pamilya Remulla ng Cavite ang prestihiyosong titulo laban sa 24 na iba pang kandidata mula sa mga bansang may Hispanic heritage.

Dia Mate ng Pilipinas, itinanghal na Reina Hispanoamericana 2025
Dia Mate ng Pilipinas, itinanghal na Reina Hispanoamericana 2025 (PHOTOS: @diaxmate/Instagram)
Source: Instagram

Kasabay ng pagkapanalo ni Mate, itinanghal naman bilang "Virreina" o vice-queen si Sofia Fernandez ng Venezuela. Siya ang papalit sa bagong reyna sakaling hindi nito magampanan ang kanyang tungkulin.

Read also

DJ Koo, pinagtanggol ng manager ni Barbie Hsu tungkol sa isyu ng 'insurance fraud'

Narito ang iba pang mga nanalong kandidata:

  • Primera Finalista – Miss Colombia
  • Segunda Finalista – Miss España
  • Tercera Finalista – Miss Perú
  • Cuarta Finalista – Miss Brasil
  • Quinta Finalista – Miss Polonia

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang suot na gold column gown na likha ng Filipino designer na si Rian Fernandez, ipinamalas ni Mate ang kanyang talino sa final Q&A kung saan tinanong siya kung anong 'value' ang pinakamahalaga sa lipunan at bakit.

“I think the one most important value that we should have is kindness. And my experience here in Bolivia is that you have showed me so much kindness and so much love even though racially I am not Latina. And the most beautiful thing I’ve noticed is that even though we don’t speak the same language, we share the same culture, same heart, and same faith in God,” ani Mate.

“And I hope this shows to everybody that if we use kindness, that we are all the same, then we can create a better world and a better society for us all,” dagdag pa niya.

Read also

Mga Abo ni Barbie Hsu, naiuwi na ng kanyang pamilya sa Taiwan

Bago ang coronation night, pinatunayan na ni Mate na isa siyang malakas na contender matapos niyang masungkit ang Best in National Costume. Ang kanyang national costume ay nagtatampok ng tatlong pangunahing relihiyoso at kultural na piyesta ng Pilipinas, na may detalyadong gintong salakot at isang makulay na beaded banig gown.

Sa mismong coronation, napabilang si Mate sa mga kandidatang nagpakitang gilas sa solo singing performance bilang bahagi ng kanilang opening number. Dahil sa kanyang kahanga-hangang performance, agad siyang napasama sa Top 12 at tuluyang umusad sa kompetisyon hanggang sa tuluyang makuha ang korona.

Si Mate, bukod sa pagiging isang beauty queen, ay isa ring singer at modelo. Siya ang kasalukuyang kasintahan ng musician na si JK Labajo. Una siyang sumali sa Miss Universe Philippines 2024, kung saan nakakuha siya ng special award mula sa isang sponsor ngunit hindi pinalad na makapasok sa semi-finals.

Kalaunan, sumali siya sa Miss World Philippines 2025 at nakamit ang Reina Hispanoamericana Filipinas title, isang premyong unang napasakamay ni Michelle Arceo na naging second runner-up sa global pageant noong nakaraang taon.

Read also

Sandara Park, nagbigay-pugay kay Barbie Hsu: "We will always remember you"

Ang Reina Hispanoamericana pageant ay unang itinatag noong 1991 bilang Reina Sudamerica upang itampok ang Bolivia bilang isang destinasyong panturista. Noong kalaunan, pinalawak ito at binago ang pangalan upang isulong ang Hispanic culture, kaya't nagsimulang lumahok ang mga bansang may impluwensiyang Espanyol, kabilang ang Pilipinas.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nasungkit ng Pilipinas ang korona sa nasabing patimpalak, matapos ang pagkapanalo ng aktres na si Teresita Ssen "Winwyn" Marquez noong 2017.

Sinagot ni Winwyn Marquez ang isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang hitsura. Napag-alaman ng KAMI na ikinumpara ng nasabing netizen ang kagandahan ni Winwyn sa kanyang inang si Alma Moreno, na isa ring kilalang personalidad.

Matatandaang Itinanghal si Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017. Ang noo'y 24-anyos na beauty queen ang kauna-unahang Asyanang sumali at nagwagi sa naturang patimpalak. Napag-alaman ng KAMI mula sa ABS-CBN Entertainment na pagkatapos ng pageant, dumating na siya sa Pilipinas suot ang replika ng korona na yari sa rubies, diamonds, at pilak na may halagang $7,000.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate