Nobyo ng 15 anyos na dalagitang mamatay matapos umanong mahalay, iniimbestigahan

Nobyo ng 15 anyos na dalagitang mamatay matapos umanong mahalay, iniimbestigahan

  • Iniimbestigahan ng PNP ang nobyo ng 15-taong gulang na dalagita na namatay matapos umanong magahasa sa pista sa Oslob, Cebu
  • Sinabi ng biktima sa kanyang ina na sasama siya sa pista kasama ang kanyang nobyo noong Disyembre 9, 2024
  • Apat na persons of interest ang nasa kustodiya ng mga pulis, habang iniimbestigahan ang kabuuang 12 hanggang 13 indibidwal
  • Hinihintay pa ang histopathology report upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima na naiulat na pinainom ng hindi kilalang inumin at inabuso

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkamatay ng isang 15-taong gulang na dalagita na naiulat na nagahasa noong pista sa Oslob, Cebu. Isa sa tinitingnang anggulo ay ang posibleng kaugnayan ng nobyo ng biktima sa insidente.

Nobyo ng 15 anyos na dalagitang mamatay matapos umanong mahalay, iniimbestigahan
Nobyo ng 15 anyos na dalagitang mamatay matapos umanong mahalay, iniimbestigahan
Source: Facebook

Ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, base sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Central Visayas, sinabi ng biktima sa kanyang ina na sasama siya sa nobyo upang dumalo sa pista noong Disyembre 9, 2024.

Read also

Barbie Forteza, ibinida ang napundar na family home: ‘B Casa is now ours’

“Ang paalam po kasi ng biktima sa kanyang nanay ay siya ay aalis at kasama yung kanyang boyfriend to attend the fiesta. So malaki po ang kailangang i-explain ng kanyang nobyo kung bakit nangyari po ito,” pahayag ni Fajardo sa isang press conference nitong Lunes, Disyembre 23, 2024.

Dagdag pa ni Fajardo, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang apat na persons of interest, habang may kabuuang 12 hanggang 13 indibidwal ang iniimbestigahan base sa pagsusuri ng CCTV footage at pahayag ng mga saksi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Sinusuri natin ang papel ng mga persons of interest na ito sa insidente. Sa ngayon, nagpapatuloy ang backtracking ng CCTV at pagkuha ng karagdagang ebidensya,” ani Fajardo.

Samantala, natapos na ang autopsy sa katawan ng biktima, ngunit hinihintay pa ang histopathology report upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay.

Batay sa ulat ng biktima sa pulisya noong Disyembre 12, sinabi niyang pinainom siya ng isang grupo ng kalalakihan ng hindi kilalang inumin, bago siya dinala sa isang lugar na hindi niya matukoy. Nagising siya noong madaling araw ng Disyembre 10 at nagtungo sa pulisya kasama ang kanyang ina upang magsampa ng reklamo.

Read also

Kiray Celis, proud na ibinandera ang tagumpay sa 2024

Subalit, makalipas ang tatlong araw, namatay ang dalagita noong Disyembre 13.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang makamit ang hustisya para sa biktima.

Sa kasalukuyang digital na panahon, mabilis na kumakalat ang mga balita at kwento sa social media, nagiging viral sa loob ng ilang oras o minuto lamang. Karaniwang nagiging viral ang mga balitang may emosyonal na bigat, nakakagulat na detalye, o kontrobersyal na isyu.

Kamakailan nga ay nag-viral ang balita tungkol sa isang 15-anyos na dalagita, si Analyn Acaso, ang umano’y ginahasa ng 13 lalaki sa Oslob, Cebu.

Nasa kustodiya na ng Philippine National Police ang apat na indibidwal na konektado sa umano’y “gangrape” ng 15-anyos na dalagita sa Cebu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate