Nakaparadang SUV, nadaganan ng tumagilid na truck na may kargang sako-sakong bigas

Nakaparadang SUV, nadaganan ng tumagilid na truck na may kargang sako-sakong bigas

  • Tumagilid ang isang 16-wheeler truck na may kargang libu-libong sako ng bigas sa General Luis Street, Bagbaguin, Caloocan City
  • Nadaganan ng truck ang isang nakaparadang SUV, na nagresulta sa pagkabasag ng windshield nito
  • Ayon sa driver ng truck, dumausdos ang mga karga dahil sa pakurba at palusong na kalsada
  • Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente

Tumagilid ang isang 16-wheeler truck na may kargang libu-libong sako ng bigas sa General Luis Street, Bagbaguin, Caloocan City, alas-3 ng madaling-araw ngayong Linggo, Disyembre 22. Nadaganan ng naturang truck ang isang nakaparadang SUV, na nagresulta sa pagkabasag ng windshield nito.

Nakaparadang SUV, nadaganan ng tumagilid na truck na may kargang sako-sakong bigas
Nakaparadang SUV, nadaganan ng tumagilid na truck na may kargang sako-sakong bigas (GMA News | Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa ulat, mabagal umano ang usad ng truck, ngunit pagsapit sa lugar ng SUV ay bigla itong tumagilid. Sa panayam sa driver, sinabi nitong galing siya ng Batangas at magde-deliver ng bigas patungong Deparo, Caloocan.

Posibleng dumausdos ang mga kargang bigas dahil pakurba at palusong ang bahagi ng kalsada kung saan naganap ang insidente. Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa pangyayari.

Read also

Kaibigan ni Kris Aquino, nilinaw ang fake news tungkol sa kalagayan ng aktres

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang mga vehicular accident ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay at pinsala sa buong mundo. Sa Pilipinas, kadalasang nagaganap ang mga aksidente sa mga lansangan dulot ng overspeeding, pagmamaneho nang lasing, o kapabayaan sa pagmamaneho.

Ang mga road condition tulad ng madulas na kalsada at mahirap na kurbada ay nagdadagdag din sa panganib. Bukod dito, ang kakulangan sa maintenance ng sasakyan, tulad ng preno at gulong, ay maaaring magdulot ng malalang aksidente. Sa kabila ng mga umiiral na batas sa trapiko at road safety campaign, nananatiling hamon ang disiplina sa kalsada at responsableng pagmamaneho upang maiwasan ang trahedya.

Matatandaang binahagi ni Dr. Krizzle Luna o mas kilalang “Doc Luna” ang kanyang pasasalamat sa mga mensahe at dasal para sa kanya matapos siyang maaksidente. Hindi daw niya maigalaw ang kanyang katawan ngunit nagagalaw naman umano niya kahit papaano ang kanyang kamay.

Nasangkot din sa isang vehicular accident noong Mayo 14 2023, si Gigi De Lana at ang kanyang bandang The Gigi Vibes. Nangyari ang aksidente habang sila ay naglalakbay mula sa 'Sulong Aurora Event' patungo sa 'Himala sa Buhangin Event' sa Ilocos Norte.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: