CEO ng Brilliant Skin Ms. Glenda, ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagkawala ng halos apat na buwan

CEO ng Brilliant Skin Ms. Glenda, ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagkawala ng halos apat na buwan

- Ibinahagi ni Ms. Glenda, CEO ng Brilliant Skin, ang dahilan ng kanyang pagkawala ng halos apat na buwan dahil sa seryosong isyu sa kalusugan

- Sumailalim siya sa operasyon para tanggalin ang kanyang uterus matapos ang sunod-sunod na pagdurugo at naospital ng ilang beses

- Ayon kay Ms. Glenda, nagbigay ang karanasan ng mas malalim na pagpapahalaga sa oras kasama ang kanyang mga anak at sa sarili

- Ipinahayag niya ang kanyang dedikasyon sa Brilliant Skin at pasasalamat sa Diyos sa isa pang pagkakataon sa buhay

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa wakas, ipinaliwanag na ni Ms. Glenda, CEO ng Brilliant Skin, ang dahilan ng kanyang pagkawala sa spotlight ng halos apat na buwan. Sa kanyang emosyonal na post, isiniwalat niyang dumaan siya sa seryosong hamon sa kalusugan simula pa noong Enero.

CEO ng Brilliant Skin Ms. Glenda, ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagkawala ng halos apat na buwan
CEO ng Brilliant Skin Ms. Glenda, ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagkawala ng halos apat na buwan
Source: Facebook

Ayon kay Ms. Glenda, kinailangan siyang sumailalim sa operasyon para tanggalin ang kanyang uterus dahil sa sunod-sunod na pagdurugo. Nasalinan siya ng dugo at paulit-ulit na naospital sa mga sumunod na buwan. Bukod dito, nagising din siya isang araw na puno ng rashes ang kanyang katawan, na hindi agad matukoy ang dahilan.

Read also

Jennifer Hudson, napabato ng sapatos dahil sa performance ni Sofronio Vasquez

Sa kabila ng lahat, masaya niyang ibinahaging siya ay nasa proseso na ng tuloy-tuloy na paggaling. "Ngayon okay na ako, nawala na din lahat ng yan. Continuous yung healing natin," ani Ms. Glenda. Dagdag pa niya, ang karanasang ito ay nagbigay sa kanya ng mas malalim na pagpapahalaga sa oras kasama ang kanyang mga anak at sa pangangalaga ng sarili.

Bagama’t pinayuhan siya ng kanyang mga staff na magpahinga at mag-enjoy na lamang, ipinahayag ni Ms. Glenda ang kanyang dedikasyon sa Brilliant Skin at sa mga taong sumusuporta sa kanya. "Hindi ko kayo kayang iwan, Brilliants. Kakabit na kayo ng buhay ko," saad niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa huli, pinasalamatan niya ang Diyos para sa isa pang pagkakataon sa buhay. "Walang susuko, tuloy ang laban," ani Ms. Glenda, na muling bumalik bilang mas malakas na bersyon ng sarili—ang “Miss Glenda 4.0.”

Si Glenda Dela Cruz ay CEO ng skin care company na Brilliant Skin Essentials, Inc. Bukod sa pagiging CEO ay gumagawa din siya ng videos at YouTube content. Isa siya sa mga skin care product CEO na may maraming followers sa social media.

Read also

Chito Miranda, may panibagong post matapos lumabas ang balita tungkol kay Neri

Matatandaang si Andrea Brillantes ang nakasama ng ni Miss Glenda sa kanyang binahaging video sa YouTube. Dito ay binalikan niya kung paano sila unang nagkakilala ni Andrea na siyang unang endorser ng kanyang mga produkto.

Si Jillian Ward naman ang napiling bagong mukha para sa bagong produkto ni Miss Glenda. Sa kanyang social media post ay masaya niyang binahagi ang picture ng packaging ng bagong produkto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: