Tinurong boss ni Yexel Sebastian na si Hector Pantollana, naaresto na
- Nai-turn over ng Indonesia sa mga awtoridad ng Pilipinas ang fugitive na si Hector Aldwin Liao Pantollana matapos itong masangkot sa isang $68 milyon na Ponzi scheme
- Ayon sa SEC ng Pilipinas, nangako si Pantollana ng mataas na kita sa mga nag-invest sa c^sino junket industry na nagre-recruit ng high rollers
- Naaresto si Pantollana noong Nobyembre 9 sa Bali, Indonesia habang sinusubukan nitong sumakay ng eroplano patungong Hong Kong
- Dinala si Pantollana sa embahada ng Pilipinas sa Jakarta noong Martes at nakatakdang iuwi sa bansa ngayong Miyerkules
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Inihayag ng opisina ng imigrasyon ng Indonesia na naiturn-over na nila sa mga awtoridad ng Pilipinas ang isang Pilipinong fugitive na nasa listahan ng Interpol, Martes, matapos itong masangkot sa panloloko ng libu-libong tao na nagkakahalaga ng $68 milyon sa isang c^sino-related na modus.
Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC) ng Pilipinas, si Hector Aldwin Liao Pantollana ay sangkot sa isang Ponzi scheme na nangangakong magbibigay ng mataas na kita sa mga mag-i-invest sa c^sino junket industry, kung saan nagre-recruit ng mga high roller na sugarol.
Sinampahan na ng kasong kriminal si Pantollana noong Mayo, ngunit ayon sa mga awtoridad ng Pilipinas, matagal na itong tumakas palabas ng bansa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naaresto si Pantollana noong Nobyembre 9 sa Bali, Indonesia, na kilalang holiday resort island, habang sinusubukan nitong sumakay ng eroplano patungong Hong Kong, ayon kay Saffar Muhammad Godam, pansamantalang direktor heneral ng opisina ng imigrasyon ng Indonesia.
"From the data, we found out that he had entered Indonesia through Ngurah Rai International Airport on October 10," pahayag ni Saffar sa isang press conference na dinaluhan din ng kalihim ng lokal na opisina ng Interpol.
Dagdag pa ni Saffar, naiturn-over na ang puganteng nasa red list ng Interpol sa embahada ng Pilipinas noong Martes at nakatakdang iuwi sa bansa ngayong Miyerkules.
Matatandaang ilang beses na binanggit ni Yexel Sebastian ang pangalan ni Hector na sya daw tunay na may-ari ng mga junket.
Si Yexel Sebastian ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas na tanyag bilang kolektor ng mga life-size action figures at iba pang memorabilia na may kaugnayan sa pop culture, partikular sa mga pelikula, komiks, at anime. Siya ang may-ari ng Yexel’s Toy Museum, isang pribadong museo na may iba’t ibang branches, kabilang ang sikat na display sa Manila Ocean Park.
Matatandaang bumiyahe na raw patungong Nagoya, Japan sina Yexyel at Mikee ayon kay Sen. Tulfo. Ito ay matapos silang ireklamo ng mga biktima.
Matatandaang kinalaunan ay naglabas si Yexel Sebastian ng pahayag sa gitna ng mga reklamo sa kanila sa investment scam. Ani Yexel, kailangan niya nang magsalita dahil nalalagay na sa alanganin ang kanilang kaligtasan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh