Sen. Cynthia Villar, itinangging sinugod si Las Piñas Councilor Santos sa simbahan

Sen. Cynthia Villar, itinangging sinugod si Las Piñas Councilor Santos sa simbahan

- Mariing itinanggi ni Senator Cynthia Villar ang akusasyong sinugod niya si Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos sa simbahan

- Nilinaw ni Villar na katabi lamang niya si Santos at sinabihan ito na huwag na siyang lapitan o kamayan

- Sa viral video, makikita si Villar na sandaling lumapit sa direksyon ni Santos ngunit walang naitalang pag-uusap sa footage

- Binanggit ni Villar na sinisiraan umano ng kampo ni Santos ang kanyang pamilya at ipinaalala ang ambag ng kanilang angkan sa bansa

Mariing itinanggi ni outgoing Senator Cynthia Villar ang mga akusasyong sinugod niya si Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos, na katunggali niya para sa nag-iisang congressional seat ng lungsod sa 2025 elections.

Sen. Cynthia Villar, itinangging sinugod si Las Piñas Councilor Santos sa simbahan
Sen. Cynthia Villar, itinangging sinugod si Las Piñas Councilor Santos sa simbahan (ABS-CBN News | Facebook)
Source: Facebook

Sa isang ambush interview nitong Martes na naibahagi ng ABS-CBN News, nilinaw ni Villar na siya ay "katabi lamang" ni Santos sa simbahan at hindi niya ito sinugod. Gayunpaman, inamin niyang sinabihan niya si Santos na huwag nang lumapit o subukang kamayan siya.

Read also

Xian Gaza, nag-react sa alegasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos ng post tungkol kay Gerald

“Hindi ko sinugod, katabi ko eh. Kasi sila ang nagbabayad sa media ng paninira sa aming pamilya. Bakit pa niya ako lalapitan at kakamayan? Wag na niya akong batiin, sinabi ko sa kanya ‘yun. Wag mo na akong batiin kasi sinisiraan niyo naman ang pamilya namin,” ani Villar.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang viral video, makikita si Villar na sandaling lumapit sa direksyon ni Santos, ngunit walang naitalang bahagi ng kanilang pag-uusap sa footage.

Sa kabila ng kontrobersiya, binigyang-diin ni Villar na hindi niya pinapansin ang mga pambabatikos laban sa kanyang pamilya. Para sa kanya, dahil sa kanyang performance ay wala nan magawa kundi i-bash na lamang siya.

I’d like to believe na ang laki ng performance ko kaya wala naman silang magagawa kundi gawin yun

Si Cynthia Villar ay isang Pilipinong senador at negosyante. Siya ang asawa ni dating Senate President Manuel "Manny" Villar, Jr. at ina ng mga politicians at negosyanteng sina Mark Villar, Camille Villar, at Paolo Villar.

Read also

Sen Cynthia Villar, viral matapos ang kumalat na video sa loob ng simbahan

Noong 2011, nakuha ni Manny Villar ang unang pwesto bilang pinakamayamang Pilipino sa listahan ng Forbes. Ang real estate mogul ay lalo pang pinalago ang kanyang yaman sa gitna ng pandemya. Mula sa yaman na $5.6 bilyon, tumaas pa ito at ngayon ay tinatayang nasa $7.2 bilyon. Sa 2,755 bilyonaryo sa buong mundo, 17 ang Pilipino, at si Villar ang nangunguna sa listahan.

Matatandaang sa paglabas ng mga litrato ni Willie Revillame kasama ang dating senador na si Manny Villar at anak nitong si Cong. Camille Villar, lalong naging maugong ang balitang sa TV network na pagmamay-ari ni dating senator lilipat si Willie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate