Doc Willie Ong, may pakiusap sa TV5: "Baka pwedeng ayusin nyo naman ito"
- Ipinakiusap ni Doc Willie Ong sa TV5 na linawin ang pagkakamali sa kanilang ulat tungkol sa isang "Willie Ong" na umano'y drug lord
- Nilinaw ni Ong na wala siyang kaugnayan kay Cassandra Ong at hindi siya sangkot sa anumang iligal na gawain
- Ipinahayag niya na libo-libo ang apelyidong Ong sa bansa kaya’t hindi dapat siya idawit sa maling impormasyon
- Ilang buwan na raw niyang tinitiis ang batikos mula sa publiko at umaasa siyang aayusin ng TV5 ang sitwasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa pamamagitan ng isang public post, ipinaabot ni Doc Willie Ong ang kanyang pakiusap sa TV5 matapos siyang madamay sa maling impormasyon na nag-uugnay sa kanya bilang isang "drug lord." Sa mensahe niya, nilinaw ni Ong na wala siyang kaugnayan sa isang Cassandra Ong, at idiniin na ang apelyidong "Ong" ay pangkaraniwan sa Pilipinas, kaya't hindi dapat ikabit ang kanyang pangalan sa mga kriminal na aktibidad.
"Fake news po lahat yan. Matino akong tao. Walang kasalanan kahit kanino," ani Doc Willie sa kanyang post, kasama ang isang pakiusap na patawarin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon. Ayon pa sa kanya, "Lord forgive these people and scammers for they don't know what they do."
Dagdag pa ni Ong, hiling niya sa News5 na ayusin ang kanilang pagkakamali at maglabas ng disclaimer sa kanilang naunang ulat. Ipinapakiusap din niyang linawin na hindi siya ang tinutukoy na Willie Ong sa balitang inilabas ng network. "Hindi po ako yon. But many believe you because you are TV5," giit ni Ong.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ni Doc Willie na ilang buwan niyang tiniis ang batikos mula sa publiko dahil sa nasabing ulat, kaya't muling ipinaabot niya ang kanyang pakiusap: "Baka pwedeng ayusin nyo naman ito."
Sa huli, nagpahayag ng pagpapala si Doc Willie sa mga taga-TV5 at sa mga taong patuloy na kumakalat ng maling balita, sabay hiling ng maayos na aksyon upang malinis ang kanyang pangalan.
Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh