Doc Willie Ong, nagbahagi ng update sa kanyang kalusugan

Doc Willie Ong, nagbahagi ng update sa kanyang kalusugan

- Nagbahagi ng update si Doc Willie Ong tungkol sa kanyang kalusugan at sinabi niyang medyo maayos ang kanyang pakiramdam

- Nilinaw niya at ni Doc Liza ang mga kumakalat na fake news tungkol sa kanyang kalagayan

- Nasa Singapore sila sa loob ng limang linggo para sa patuloy na pagpapagamot at binanggit na mukhang lumiliit ang kanyang bukol

- Nagpasalamat si Doc Willie sa mga nagdarasal para sa kanya at nangakong ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga kababayan sa larangan ng health care

Sa isang video, ibinahagi ni Doc Willie Ong ang update tungkol sa kanyang kalusugan, na sinabing medyo maayos ang kanyang pakiramdam kaya nakapagbahagi siya ng update. Nilinaw rin niya at ng kanyang asawang si Doc Liza ang mga kumakalat na fake news tungkol sa kanyang kalagayan.

Doc Willie Ong, nagbahagi ng update sa kanyang kalusugan
Doc Willie Ong, nagbahagi ng update sa kanyang kalusugan
Source: Youtube

Ayon kay Doc Willie, naka-limang linggo na silang nagpapagamot sa Singapore, at mayroon silang mga araw na mabuti at masama ang kanyang kalagayan. Nagpasalamat sila sa mga patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.

Read also

Kyline Alcantara, nag-share ng picture nila ni Kobe Paras: "Together with him"

Sa loob ng tatlong buwan, patuloy pa ang kanilang pagpapagamot, at ibinahagi ni Doc Willie na mukhang lumiliit na ang kanyang bukol dahil nababawasan ang sakit na kanyang nararamdaman.

Nawala na rin umano ang kanyang pamamanas at paninilaw. Sa kabila ng mga pagsubok, ipinahayag ni Doc Willie na kung pahihintulutan ng Diyos na siya'y mabuhay, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapabuti ang kalusugan ng kanyang mga kababayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, wala na siyang pakialam kung sino ang masasagasaan basta't mapaglingkuran niya ang bayan pagdating sa serbisyong pangkalusugan.

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.

Read also

Raquel Pempengco, naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa paggalang sa magulang

Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.

Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate