Doc Willie Ong, may prangkang pahayag sa mga politiko sa Pilipinas

Doc Willie Ong, may prangkang pahayag sa mga politiko sa Pilipinas

- Naglabas ng prangkang pahayag si Doc Willie Ong laban sa mga korap na politiko sa Pilipinas sa isang viral na video

- Ayon kay Ong, ang korapsyon sa pulitika ang nagpapahirap sa mga Pilipino, lalo na sa sektor ng kalusugan

- Ibinahagi rin ni Ong ang kanyang personal na kalagayan, na may 2 hanggang 3 buwan na lang ang natitira upang malaman kung siya ay mabubuhay pa

- Sinabi ni Ong na hindi na mahalaga sa kanya ang mga pulitiko at inilabas na niya ang katotohanan tungkol sa korapsyon

Sa isang matapang at emosyonal na video na nag-viral sa social media, naglabas ng prangkang pahayag si Doc Willie Ong, isang kilalang health advocate at dating kandidato sa pagka-bise presidente noong 2022. Sa kanyang pahayag, isiniwalat ni Ong ang kanyang mga saloobin ukol sa kalagayan ng pulitika sa Pilipinas at ang matinding epekto nito sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino.

Read also

Ex-PBB housemate na si John Adajar, malaking tulong sa pagkadakip ng snatcher sa San Pablo

Doc Willie Ong, may prangkang pahayag sa mga politiko sa Pilipinas
Doc Willie Ong, may prangkang pahayag sa mga politiko sa Pilipinas
Source: Facebook

Ayon sa kanya, wala siyang maling ginawa at tumakbo siya para lamang makapaglingkod sa bayan. "I just ran for vice president, what did I do wrong? I did not do anything wrong. I love everyone of you. I'm doing this for the Philippines," dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Ong ang hirap ng mga Pilipinong walang access sa tamang serbisyong pangkalusugan dahil sa malalang korapsyon sa gobyerno. "Nahihiya ako. I'm ashamed because I have some money and people supporting me... But our countrymen are very poor, they do not have healthcare. They are just dying there from the corruption of politicians," ani Ong. Sa kabila ng kanyang personal na kalagayan, nanindigan siya na mahalaga ang katotohanan at paglaban para sa mga mamamayan.

Sa kanyang pahayag, inamin ni Ong na may taning na ang kanyang buhay ayon sa kanyang doktor, at may 2 hanggang 3 buwan na lang ang natitira para malaman kung mabubuhay pa siya o hindi. Gayunpaman, wala na raw siyang pakialam at handa niyang ilabas ang katotohanan: "I'm dying, I don't care anymore, I will tell you the truth, politicians are corrupt in the Philippines."

Read also

Vin Abrenica at Sophie Albert, binahagi ang gender ng kanilang ikalawang anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinapos ni Ong ang kanyang pahayag sa isang tanong na tumutukoy sa kahalagahan ng pagsisilbi sa bayan, "Is the Filipino worth dying for?" na nagpapahiwatig ng kanyang malalim na pagmamalasakit sa kapakanan ng mga Pilipino sa kabila ng kanyang personal na laban sa sakit at pagsubok.

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.

Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.

Read also

Doc Willie Ong, muling dumaan sa kritikal na kondisyon

Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate