Legal counsel ng KOJC, pinagso-sorry ang 'Chooks-to-Go' dahil sa advertisement nito

Legal counsel ng KOJC, pinagso-sorry ang 'Chooks-to-Go' dahil sa advertisement nito

- Nanawagan si Atty. Mark Tolentino ng boycott laban sa Chooks-to-Go dahil sa umano'y hindi tamang advertisement

- Ayon kay Tolentino, itinuturing niyang isang uri ng cybercrime ang naturang patalastas

- Ang advertisement ay nagpapakita ng lalaking na nakatakip ang buong mukha

- Hiniling ni Tolentino na humingi ng paumanhin ang Chooks-to-Go at nagbanta ng legal na aksyon kung hindi ito gagawin

Nanawagan ang legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Mark Tolentino na i-boycott ang sikat na roasted chicken brand na "Chooks-to-Go" dahil sa diumano’y hindi tamang pamamaraan ng kanilang advertisement. Ayon kay Tolentino, isa itong uri ng cybercrime na dapat managot.

Legal counsel ng KOJC, pinagso-sorry ang 'Chooks-to-Go' dahil sa advertisement nito
Legal counsel ng KOJC, pinagso-sorry ang 'Chooks-to-Go' dahil sa advertisement nito
Source: Facebook

Sa isang Facebook post, mariing ipinahayag ni Tolentino ang kanyang saloobin hinggil sa advertisement ng Chooks-to-Go. “Boycott natin ang Chooks-to-Go! This is an irresponsible and unethical advertisement and considered as a cybercrime!” ani Tolentino.

Read also

Pops Fernandez at Martin Nievera, enjoy na enjoy ang pag-aalaga sa kanilang apo

Ang tinutukoy niyang advertisement ay isang deleted post kung saan ipinakita ang isang lalaki na nakabalot at may suot na salamin. May nakalagay pang caption na “Sumuko sa sarap,” na sinasabing direktang nag-ugnay sa kontrobersiyal na pagsuko ni Quiboloy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, nanawagan si Tolentino na humingi ng paumanhin ang kompanya, at binalaan niya ang Chooks-to-Go na maaari silang maharap sa legal na aksyon kung hindi nila ito gagawin. Patuloy pa ang diskusyon sa isyung ito, at inaasahang magkakaroon pa ng mas malalim na imbestigasyon.

Si Quiboloy ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng simbahan sa bansa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Matatandaang sinampahan siya ng kasong human trafficking ng isa niyang dating miyembro.

Matapos ang paglabas ng balitang may kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay siya ng babala. Aniya ay tigila na ang pang-uusig at pang-aalipusta sa kanya dahil lalong titindi ang pandemya kapag ipagpapatuloy pa ang umano'y binibintang sa kanya.

Read also

Aiai Delas Alas, ibinida ang kanyang magiging daughter-in-law

Inihayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon kaugnay sa pagtutol ni Sen. Robin Padilla sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Bunsod ito ng patuloy na hindi pagdalo ni Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y pang-aabuso at human trafficking sa religious group.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate