PBBM, iginiit na napilitan lang lumitaw si Quiboloy; Hindi sumuko
- Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi kusang sumuko si Pastor Apollo Quiboloy kundi napilitan lamang siyang lumabas
- Naaresto si Quiboloy sa loob ng KOJC compound noong gabi ng Setyembre 8, ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos
- Ipinilit ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio na boluntaryo ang pagsuko ng kanyang kliyente
- Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP si Quiboloy at nahaharap sa mga kasong paglabag sa batas laban sa human trafficking at iba pa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi kusang sumuko si Pastor Apollo Quiboloy, kundi napilitang magpakita ito sa mga awtoridad.
Sa panayam ng mga mamamahayag ngayong Lunes, Setyembre 9, binigyang-diin ni Marcos na sa kanyang pagkaunawa, ang isang taong tinutugis ay maituturing na sumuko lamang kung kusa itong pumunta sa mga kinauukulan at hindi napilitan na lumabas.
Ayon kay Marcos, "Ganitong iniisip ko, hindi siya lilitaw kung hindi namin hinabol nang husto."
Ipinaliwanag pa ng pangulo na ang kanyang pagkakaintindi sa pagsuko ay kapag ang isang taong may arrest order ay boluntaryong pumunta sa isang opisyal na awtoridad, gaya ng himpilan ng pulis o prosecutor, upang sabihin na sumusuko na siya. Hindi ganiyan ‘yug nangyari. Ang nangyari, napilitan siyang lumabas dahil malapit na ang mga pulis sa kaniya," dagdag pa niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, matatandaan na noong gabi ng Linggo, Setyembre 8, inanunsyo ni Kalihim Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naaresto na nila si Quiboloy sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound. Gayunpaman, iginiit ng legal na tagapayo ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio na boluntaryong sumuko ang kanyang kliyente.
Sa kabila nito, inihayag din ni Marcos na ayon kay Quiboloy, nagpasya itong ipakita ang sarili sa mga awtoridad upang maiwasan ang kapahamakan ng mga miyembro ng KOJC.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) si Quiboloy sa Camp Crame, Quezon City. Nahaharap ito sa mga kasong paglabag sa "ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA 9208 na inamyendahan ng RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AT CONTEMPT OF COURT."
Si Quiboloy ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng simbahab sa bansa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Matatandaang sinampahan siya ng kasong human trafficking ng isa niyang dating miyembro.
Matapos ang paglabas ng balitang may kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay siya ng babala. Aniya ay tigila na ang pang-uusig at pang-aalipusta sa kanya dahil lalong titindi ang pandemya kapag ipagpapatuloy pa ang umano'y binibintang sa kanya.
Inihayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon kaugnay sa pagtutol ni Sen. Robin Padilla sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy. Bunsod ito ng patuloy na hindi pagdalo ni Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado sa umano’y pang-aabuso at human trafficking sa religious group.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh